BREAKING NEWS

DOH: May ubo’t sipon iwas muna sa mga aktibidad ng Nazareno 2026

DOH: May ubo't sipon iwas muna sa mga aktibidad ng Nazareno 2026
INQUIRER photo/Kurt Dela Pena

PINAYUHAN ng Department of Health (DOH) ang mga debotong may sintomas ng trangkaso tulad ng ubo at sipon na huwag munang dumalo sa mga aktibidad ng Nazareno 2026.

Ayon kay DOH Assistant Secretary Gloria Balboa, bagama't wala namang nakikitang pagtaas ng flu cases, mas makabubuting manatili na lamang sa bahay ang mga may nararamdamang sintomas.

"As a reminder, for example, if we are coughing—regardless of what type of influenza or flu it is—we hope people will just stay at home," sey ni Balboa sa isang press conference, na iniulat ng INQUIRER.

Binigyang-diin niya na mas madaling kumalat ang trangkaso sa mga lugar na maraming tao.

Baka Bet Mo: Mga deboto ng Itim na Nazareno naghahanda na sa Traslacion, may schedule na 

"Since this is a big crowd, any disease transmitted through airborne particles or droplets has a high chance of spreading. That's why we are advising those who are already sick not to attend," dagdag pa niya.

Hinikayat din ni Balboa ang mga debotong magpupumilit pa ring dumalo kahit may sintomas na magsuot man lang ng face mask bilang proteksyon.

Samantala, sang-ayon si Rev. Fr. Robert Arellano sa panawagan ng DOH, lalo na para sa mga debotong lalahok sa "pahalik," kung saan hinahawakan, pinapahiran ng panyo, o hinahalikan ang imahe ng Poong Hesus Nazareno.

Ayon sa pari, ang mga nagsisimula pa lamang makaramdam ng sintomas ng trangkaso ay maaari namang makibahagi sa pamamagitan ng panonood ng live stream online.

Tiniyak naman ni Rev. Fr. Ramon Jade Licuanan na regular na nililinis at pinupunasan ng mga tauhan ng simbahan ang imahe ng Nazareno habang isinasagawa ang "pahalik."

Gayunman, mariin siyang nanawagan sa mga may ubo at sipon na iwasan ang paghalik sa imahe.

Ang "pahalik" ay isa sa mga pinakahihintay na aktibidad sa taunang pagdiriwang ng Kapistahan ng Poong Hesus Nazareno.

Ngayong taon, nagsimula ang "pahalik" alas-7 ng gabi ng Miyerkules, January 7, sa Quirino Grandstand sa Maynila. 

The post DOH: May ubo't sipon iwas muna sa mga aktibidad ng Nazareno 2026 appeared first on Bandera.


DOH: May ubo’t sipon iwas muna sa mga aktibidad ng Nazareno 2026 DOH: May ubo’t sipon iwas muna sa mga aktibidad ng Nazareno 2026 Reviewed by pinoyako on January 07, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close