BREAKING NEWS

Darryl Yap naging ‘dishonest’ sa Honesty Store sa Batanes, kasalanan itinama

Darryl Yap naging 'dishonest' sa Honesty Store sa Batanes, itinama ang kasalanan
Darryl Yap

MAKALIPAS ang walong taon, bumalik ang kontrobersyal at box-office director na si Darryl Yap sa Batanes para tuparin ang matagal na niyang pangako.

Nagkuwento si Direk Darryl tungkol sa nangyari sa kanya noong magtungo siya sa Batanes taong 2018 kung saan itinama raw niya ang nagawang "kasalanan". 

Ito yung kanyang "dishonesty" sa  "Honesty Store", ang sikat na sikat na tindahan sa Ivana, Batanes na walang taong nakabantay kaya ang lahat ng bibili rito ay inaasahang magiging tapat sa pagbabayad ng mga produktong kukunin nila  Isa ito sa mga tourist attraction sa probinsya.

Ito ang sumisimbolo ng kultura ng katapatan ng mga tagaroon, na kilala sa kanilang katapatan, integridad, disiplina at malasakit sa kapwa. 

Sa pamamagitan ng Facebook, ibinahagi ni Direk Darryl ang kuwento noong unang beses siyang makarating sa Batanes matapos manalo ang kanyang team sa CLTV Sine Gitnang Luzon Originals Short Film Festival. Bahagi ng kanilang prize ang trip to Batanes.

"Oo, Naging Dishonest ako sa Honesty Store. Kung kakilala nyo talaga ako, or nakasama nang matagal—I'm sure alam nyo na ang Kwentong-Batanes ko.

"Noong 2018, nanalo ang team ko sa CLTV Sine Gitnang Luzon Originals Shortfilm Festival sa Pampanga, binigyan kami ng Award ng Philippine Airlines, at kasama sa premyo ay ang Trip to Batanes," simulang pagbabahagi ng filmmaker.

"2018– sobrang broken ako, Broken-hearted na, Broke pa. Wala kaming kapera-pera dahil mapapaso na ang premyo—pumunta na kami. 

"Akala namin dahil probinsya—mura lang hindi pala. Sa totoo lang, nung panahon na yan may suicidal tendencies ako, kasi yung 7 year relationship ko natapos at andaming atraso ng group ko dahil naapektuhan lahat. 

"Pagdating sa Batanes, akala ko maiinspire ako—kaso sakto— black lahat ng hills, sakto raw na nagsusunog at naglilinis lahat; lalo akong nadepress. Pero nu'ng sinabi nung tricycle driver na ganun talaga para makapagsimula ulitnakaramdam ako ng pag-asa. 

"Natulog kami sa bedspace na halagang 180 isa at nagtiis sa mga tinapay at isang meal ng silog. Bago umalis sa Island, pumunta kami sa sikat na Honesty Store—yung natitirang pera namin ay sakto na lang pampamasahe at environmental fee.

"Binilhan ako ni Arel Ebana ng fita at nagshare kami sa isang softdrinks; inihulog nya ang bayad namin sa isang garapon. Sabi ko kay Arel, nagugutom pa ko. di na kami nagdinner at nagtatangahalian. sabi nya, tiisin ko na lang daw.

"Hindi ako nakinig. sabi ko kukuha ako ng Hansel at Mt. Dew. Hindi ko binayaran. hindi alam ni Arel ang gagawin nya, Ako—kunwari hustler.

"Pagkatapos noon, nagyaya siyang magsimba kami sa katapat na St. Joseph of Ivana Church. Doon, nagsabi ako kay Lord, na di ako naging Honest sa Honesty Store.

"Sabi ko kay Lord: 'Lord, gawin mo naman akong mayaman, ayaw ko namang kunin yun kaso gutom na gutom ako—promise ko Lord, pag ginawa mo akong mayaman, di ako magiging madamot; babalik ako rito at babayaran ko yun ng mahigit pa sa 100x," lahad pa ni Darryl Yap.

Pagpapatuloy pa niya, "Pagkatapos nun nagviral na ang VinCentiments, pumirma na ako sa VIVA Films—mula 2019, nung nagbox-office yung #Jowable, nagkaNetflix ako, nagkapandemic, nilaunch ko ang Vivamax, nagtagumpay ang #MaidinMalacañang—taun-taon, gusto kong bumalik pero hindi ko talaga maisingit. 

"Pero ngayong 2026, 8 years after—nakabalik ako. Tinupad ko ang Promise ko kay Lord, hindi lang dahil tinupad nya ang dasal ko; kundi dahil yun ang tamang gawin.

"Bumalik rin ako sa Simbahan—nagpasalamat at muling nagdasal sabi ko 'Lord, ngayon naman po, gawin mo naman akong masaya,'" ang buong kuwento ni Darryl Yap.

The post Darryl Yap naging 'dishonest' sa Honesty Store sa Batanes, kasalanan itinama appeared first on Bandera.


Darryl Yap naging ‘dishonest’ sa Honesty Store sa Batanes, kasalanan itinama Darryl Yap naging ‘dishonest’ sa Honesty Store sa Batanes, kasalanan itinama Reviewed by pinoyako on January 07, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close