BREAKING NEWS

PREDICTIONS 2026: Vice Ganda, Robin Padilla, Maris binalaan ni Rudy Baldwin

PREDICTIONS 2026: Vice Ganda, Robin Padilla, Maris binalaan ni Rudy Baldwin
Maris Racal, Coco Martin, Robin Padilla at Vice Ganda

PART 2 ito ng isinulat namin tungkol sa mga prediksyon ng psychic na si Rudy Baldwin tungkol sa magiging kapalaran ng ilang sikat na celebrities ngayong 2026.

"Kahit na negatibo mga visions ko huwag po tayong mapanghinaan ng loob, ipagdasal natin na huwag itong mangyari.  Ipagdasal natin na sana kabaliktaran," ang bilin ni Rudy Baldwin.

Nakapanayam ni Ogie Diaz si Rudy para sa kanyang YouTube vlog at dito nga niya inihayag ang kanyang vision tungkol sa kapalaran ng mga artistang binanggit ng talent manager at content creator.

Dasal pa ni Rudy, "Sana Lord puro masaya 'yung mga dumating sa buhay natin sa kabila ng mga pagsubok, huwag tayong mapanghinaan at lagi nating tatandaan na hindi po ako Diyos, ako'y tao lang at hindi ako propeta kung ano mang ipinakita ni Lord sa akin ay kailangang iparating ko kasi nga mahal niya po tayo, bumalik po tayo sa kanya magdasal po tayo palagi."

May hindi magandang vision si Rudy kay Sen. Robin Padilla na idolo raw ni ya. Pinag-iingat niya ito dahil sa isang "aksidente."

Aniya, "There is accident na mangyayari na akala ng tao ay accident pero hindi kundi ito ay plan (planado). Pinalabas na accident at lumabas din sa imbestigasyon at may dalawang kaibigan na inimbestigahan at lumabas ang totooo at 'yun nga, it's a murder.  

"Hindi ko nakitaang namatay agad kundi na-hospitalize muna siya at nagkaroon ng depekto sa buto at nawala (naman) pero dapat idol Robin Padilla gamitin mo 'yug instinct ability mo na meron ka no'n. Kaya 'yung instinct ability mo pumitik, you have to listen at kahit na gaano kaimportante ang lakad mo, stop!"

Para naman kay Maris Racal, "Mag-ingat kasi nasa vision ko dudukutin talaga, eh.  Mag-ingat na lang siya. 'Yung nangyari kay Maggie dela Riva before sa kanya (Maris) tumuturo at mangyayari sa kanya 'yan.  

"So, alam mo na ang gagawin mo sa sarili mo, kumuha ka ng bodyguard, 'wag ka basta magtiwala Ms. Maris kasi hindo mo alam ang bawa't takbo ng minute ng buhay natin at lifetime ito (hindi lang 2026). For lifetime na po talaga kasi paulit-ulit (sa vision). 

"I'm sorry po, mag-pray ka kasi ako sa kabila ng negative visions hindi ako nakakalimot mag-pray always," ani Rudy.

Nabanggit din si Vice Ganda, "Ingatan mo lahat ang audience na nanonood sa iyo or taong makakaharap mo meron kasi doon nagpaplano ng hindi maganda.  

"Kapag may pumapasok na audience (manonood ng show ni VG), i-check kung ano 'yung mga dala o nasa katawan nila.  Alala mo 'yung singer na kumakanta tapos binaril kasi obsessed? Pag napanood niya (Vice) ito, 'wag ka po magalit sa akin, ha Ms. Vice, basta mag-ingat ka."

Problema naman sa kalusugan ang nakikita ni Rudy Baldwin kay Coco Martin, "Ingatan niya ang mga nerves niya dapat meron siyang regular check- up talaga.  Wala akong masabing about sa buto, about sa buto, ang sabi lang ng vision ko mga ugat daw niya. Magkakaproblema siya sa mga ugat niya, so, ingat lang po Mr. Coco."

Hindi pamilyar si Rudy sa mga pangalan ng bagong sibol na artista at nu'ng ilarawan niya ay nabanggit ni Ogie ang pangalang Kai na kaagad sinang-ayunan. Si Kai Montinola na 4th place sa "Pinoy Big Brother: Gen 11" noong 2024.

Ang vision ni Rudy, "Kung ano 'yung nakikita kong picture o di kaya pangalan lang (hindi ko kilala). 'Yang si Kai ang ikaano niya ay hamon ng kalikasan o sa lindol siya maaano, masawi sa ganu'n, hamon ng kalikasan (nga).  

"Mas maganda na 'yung sasabihin ko kasi sayang ka, ang bata mo pa kasi malayo pa marating mo, kailangan pag (may sakuna), 'wag kang panic gurl, relax ka lang, kalma para alam mo gagawin mo. 

"Basta ito tandan mo (Kai), hindi ka mamatay sa aksidente, hindi ka mamatay sa sakit (kundi) ang ikakamatay mo ay 'yung hamon ng kalikasan."

Nasambit din ni Rudy Baldwin si Cherry Pie Picache na mag-ingat sa mga kinakain niya kapag nagta-travel at huwag basta magtitiwala sa mga magbibigay ng pagkain, kasi sobra raw siyang mabait at mapagtiwala.

The post PREDICTIONS 2026: Vice Ganda, Robin Padilla, Maris binalaan ni Rudy Baldwin appeared first on Bandera.


PREDICTIONS 2026: Vice Ganda, Robin Padilla, Maris binalaan ni Rudy Baldwin PREDICTIONS 2026: Vice Ganda, Robin Padilla, Maris binalaan ni Rudy Baldwin Reviewed by pinoyako on January 07, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close