BREAKING NEWS

Nikko Natividad dasal na huwag mabakante sa trabaho, anak may pneumonia

Nikko Natividad dasal na huwag mabakante sa trabaho, anak may pneumonia

ISANG update ang ibinahagi ng aktor na si Nikko Natividad patungkol sa kalagayan ng kanyang anak na nag-seizure habang kumakain sila sa isang restaurant sa Japan.

Sa pamamagitan ng isang social media post ay ibinandera niyang maayos na ang kondisyon ng anak.

"Maharot na ulit. Salamat sa prayers nyo," saad ni Nikko.

Nitong Martes, January 6, sinabi ng dating Hashtags member na mayroon palang pneumonia ang kanyang anak.

Baka Bet Mo: Anak ni Nikko Natividad inatake ng seizure sa Japan, nagbabala sa viral infection

Laking pasasalamat nga ni Nikko dahil hindi pa ito malala at patuloy nila ngayong binabantayan ang kalusugan ng anak.

"Nag ka pneumonia sya. Pero buti at hindi pa malala. Be strong bebelove," lahad ni Nikko.

Naging bukas rin siya sa palaging dasal na sana ay maayos ang kalusugan ng pamilya at patuloy ang pagkakaroon ng trabaho.

"Kaya palagi kong dasal ang good health at syempre wag ako mawalan ng trabaho o pagkakakitaan dahil napaka hirap ng walang pampagamot dahil wala naman taong hindi tinatamaan ng sakit," kuwento pa ni Nikko.

Marami naman sa mga netizens ang nag-react at nagpaabot ng kanilang suporta para sa pinagdaraanan ng aktor.

"Kaya ang advice ko palagi na keep warm specially galing tayo sa tropical country. Our body react pag sobrang lamig. Wag bigla maghuhubad agad pag nakapasok sa mainit na place from cold. Mag in-in muna bago maghubad. Para mag-relax ang body from cold to hot hot to cold. Praying for you baby nikko. Pareho tayong galing japan," saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, "Siguro kuys iwas muna isama anak mo o kayo gumala season talaga ng flu and infection ngayon, lalu na sa edad ng baby mo hindi pa nya kaya yung mga sakit ngayon sa labas."

"Same situation.. yung 2y/o ko nagka Pneumonia rin mabuti at naiuwi pa namin sa Pinas at dito na-confine. Pero nilalagnat at inuubo na rin siya nun out of country trip namin. Hope you get well soon baby," sey naman ng isa.

The post Nikko Natividad dasal na huwag mabakante sa trabaho, anak may pneumonia appeared first on Bandera.


Nikko Natividad dasal na huwag mabakante sa trabaho, anak may pneumonia Nikko Natividad dasal na huwag mabakante sa trabaho, anak may pneumonia Reviewed by pinoyako on January 07, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close