BREAKING NEWS

Vice Ganda pinaiyak si Jun Lana: Dinugtungan mo ng buhay ang karera ko…

Vice Ganda pinaiyak si Jun Lana: Dinugtungan mo ng buhay ang karera ko...
Vice Ganda at Jun Lana

SINIGURO ng Phenomenal Box-Office Star at award-winning actor na si Vice Ganda na masusundan pa ang collaboration nila ni Jun Robles Lana

Successful sa takilya at nakapag-uwi ng mga tropeo sa Gabi ng Parangal ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2025 ang ikalawa nilang pelikula na "Call Me Mother".

Bukod sa Best Actor award na natanggap ni Vice, itinanghal ding 3rd Best Picture ang pelikulang idinirek ni Jun Lana.

Unang nag-collab sina Vice at Jun sa MMFF 2024 entry na "And the Breadwinner Is…".

Natanong si Vice sa panayam ng ABS-CBN kung magpapatuloy ang "tambalan" nila ni Jun Lana, "Of course! Sabi nga ni Direk Jun, 'Wala na, tinanggap ko na nakatali na ako sa 'yo!"

Tuwang-tuwa at nagpapasalamat ang komedyante sa lahat ng nagandahan at pumuri sa "Call Me Mother", lalo na sa kuwento nito at sa akting nila ni Nadine and the rest of the cast.

"I saw the reviews. It's overwhelming. Kasi nu'ng ginagawa ko naman ito, I was just doing what I was asked to do. I was just doing what I was directed to do.

"Hindi ko talaga inisip kahit katiting yung 'Ano kaya yung gusto ng mga critics?' or 'How is this supposed to be artistically done?' 

"Sasabihin lang sa akin ni Direk ganito yung eksena, ie-explain niya lang sa akin, tapos marami siyang directive na 'ano ang mararamdaman mo?', 'ano na yung nararamdaman ni Twinkle dito?'

"They watch and see movies differently, may iba silang judgement," aniya pa.

Hindi rin napapagod at nagsasawa si Vice na mag-repost sa social media ng mga review sa kanyang akting.

"Kasi nakaka-proud, bago siyang karanasan sa akin. Mas sanay ako na tinatawanan lang yung ginagawa ko kasi nagpapatawa ako. Hindi ako sanay na may nakikita sila sa ginawa ko, na may nakita sila na hindi ko nakita," sey ng komedyante.

Samantala, nagpadala rin daw si Vice ng direct message kay Direk Jun. Ang laman nito, "Good evening, direk! Namiss kita bigla. Naisip ko parang wala akong pwedeng gawin para lubos akong makapagpasalamat sa 'yo. 

"Dinugtungan mo ng buhay ang karera ko sa pelikula, labis-labis ang pasasalamat ko sa 'yo. Pinaningning ako ng puso at husay mo. Mamahalin kita habang buhay.

"Sana araw-araw masarap ang ulam mo. Masaya ang paligid mo. Mapuno ka ng pagmamahal. Sana hindi ma-murder ang ingrown mo. Never kang ma-constipate at mag-t*e. Dumating nang maaga ang order, at never tumabang ang softdrinks na iniinom mo. I love you."

Reply naman sa kanya ng direktor, "Naiyak naman ako dito. Salamat Meme. Gusto ko pang makita kung paano mo babasagin lahat ng expectations sa 'yo lalo na sa pelikula. 

"At susundan ka pa rin ng mga tao, papasayahin mo pa rin sila pero sa mga paraang laging sinusurpresa mo sila. Love you, love you, love you, love you."

Sabi pa ni Vice sa panayam ng ABS-CBN patungkol kay Direk Jun, "He really helped me. I was, have been overwhelmed and pressured by expectations. 

"And nilunod niya ako for the longest time. And I needed someone like Jun Lana to save me, from drowning," aniya.

The post Vice Ganda pinaiyak si Jun Lana: Dinugtungan mo ng buhay ang karera ko… appeared first on Bandera.


Vice Ganda pinaiyak si Jun Lana: Dinugtungan mo ng buhay ang karera ko… Vice Ganda pinaiyak si Jun Lana: Dinugtungan mo ng buhay ang karera ko… Reviewed by pinoyako on January 07, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close