UP Diliman Arts and Culture Festival 2026 aarangkada na sa Pebrero

HANDA na ang UP Diliman para sa isang buwan ng sining, kultura, at masiglang pagtutulungan!
Ngayong Pebrero, ilulunsad ang UP Diliman Arts and Culture Festival 2026 (UPD ACF2026) na may temang "Isang Unibersidad para sa inklusibo at mapagkalingang lipunan."
Ayon sa Office for Initiatives in Culture and the Arts (OICA), layunin ng festival na ipakita kung paano nagiging espasyo ang UP Diliman para sa iba't ibang uri ng kaalaman, malikhaing gawain, at tradisyong pampanitikan at pangkultura.
Bukod dito, binibigyang-diin nito ang kahalagahan ng inclusion, accessibility, gender equity, at komunidad na may malasakit.
Baka Bet Mo: Pride Month 2025: QC, UP Diliman, Pride PH sanib-pwersa sa 'Lov3Laban Festival'
Hindi lang ito basta festival, kundi isang plataporma para sa eksperimento sa sining at dayalogo, na naglalayong palalimin ang kamalayan at pakikilahok ng bawat miyembro ng unibersidad at ng komunidad sa paligid nito.
Narito ang paboritong highlight ng UPD ACF2026:
- Peryahang Diliman (February 5-6) – opisyal na paglulunsad ng festival at ang "Pista ng Kaalaman."
- Blind Together! – workshop sa February 9 at performance showcase sa February 13.
- Himigsikan sa Maginhawa (February 21) – isang makulay na selebrasyon ng musika at sining sa Maginhawa area.
Bukod sa tatlong pangunahing events, may mga component programs din mula sa iba't ibang UP units, student organizations, at cultural partners.
Kasama rito ang mga performances, talks, workshops, exhibitions, at community engagements na lahat ay nakatuon sa tema ng inclusivity at accessibility.
Ang festival ay gaganapin sa UP Diliman campus at sa paligid ng UP Village / Maginhawa area, kaya siguradong maaabot at mararanasan ito ng mas maraming tao.
Kaya naman, kung mahilig ka sa sining at kultura o simpleng gusto mong makilahok sa isang masiglang community event, markahan na ang Pebrero sa kalendaryo at samahan ang UP Diliman sa pagdiriwang ng sining, kaalaman, at malasakit!
The post UP Diliman Arts and Culture Festival 2026 aarangkada na sa Pebrero appeared first on Bandera.

No comments: