BREAKING NEWS

Bunsong anak nina AJ Raval at Aljur Abrenica muntik mamatay

Bunsong anak nina AJ Raval at Aljur Abrenica muntik mamatay

MUNTIK na palang mamatay ang bunsong anak ng celebrity couple na sina Aljur Abrenica at AJ Raval na si Aljur, Jr. noong 2024.

Ibinahagi ng dating Vivamax Queen ang pinagdaanan niya nang isilang si Aljur, Jr. sa pamamagitan ng isang mahabang Facebook post.

Kalakip ang mga litrato ng kanyang bagong silang na sanggol na nasa ospital at may nakakabit na oxygen ang pagbabalik-tanaw ni AJ matapos manganak.

Premature blue baby ang sanggol nang kanyang ipanganak at muntik na raw itong mawala sa kanila matapos malagay sa kritikal na kondisyon.

Baka Bet Mo: Utol ni AJ Raval umaray sa bashers: Ang daming judgmental, nakaka-hurt!

"06-02-24. (Aljur Jr.) He was born premature a blue baby In the delivery room for a moment we lost him I did not know what to do.

"His lungs were not fully developed. The doctors said his condition was critical and that he needed to be transferred to another hospital.

"I was scared all I could do was pray. I did not ask God for answers or explanations. I asked for one thing only a life extension for my baby," ang simulang pagbabahagi ng aktres.

Nakita pa raw niyang nire-revive ng mga doktor ang anak hanggang sa nawalan na siya ng malay.

"I saw the doctors performing CPR to revive my baby. After that I do not remember anything I lost consciousness. 

"When I woke up in the recovery room the first thing I did was ask for my baby. The doctor told me he was in the NICU," pag-alala pa ng wifey ni Aljur.

Patuloy ni AJ, "We did not get to be together right away. He stayed in the ICU for days and all we could do was wait. Those days were heavy and quiet.

"In that waiting I realized there was only one thing to hold on to God. That experience changed me in ways I cannot explain. 

"When you come that close to losing someone you realize how small everything else is.

"What truly matters is life love and the people God entrusts to us. So appreciate every breath every moment every heartbeat.

"Because when life shows you how fragile it is you learn to be thankful for everything. Let this be a reminder to appreciate what you have every breath every moment. All glory belongs to God," ang mensahe pa ni AJ. 

Bumuhos naman ang mga positive at inspiring message para kay AJ mula sa netizens. Narito ang ilan.

"Isa lng ibig Sabihin nyan, kung para tlga Siya sayo ibibigay tlga sayo ni Lord. kaya ingatan, alagaan at mahalin mo Siya. so cute baby."

"Imagine, sa kabila ng mga pinagdadaanan nyang pambabash, nakaya nyang ihandle lahat ng 'yon habang ganon 'ung nangyari sa baby nya. Grabe ka strong na babae talaga."

"That is why showing kindness is very important… at the end of the day, people are battling demons we know nothing about. Just be kind. At least."

The post Bunsong anak nina AJ Raval at Aljur Abrenica muntik mamatay appeared first on Bandera.


Bunsong anak nina AJ Raval at Aljur Abrenica muntik mamatay Bunsong anak nina AJ Raval at Aljur Abrenica muntik mamatay Reviewed by pinoyako on January 31, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close