BREAKING NEWS

Marjorie Barretto, mga anak inalala si Mommy Inday: ‘Rest in peace, Mama Day’

Marjorie Barretto, mga anak inalala si Mommy Inday: 'Rest in peace, Mama Day'

NAGBIGAY-PUGAY si Marjorie Barretto at ang kanyang mga anak na sina Dani at Claudia sa yumaong Mommy Inday, na pumanaw kamakailan sa edad na 89.

Sa kabila ng mga pinagdaanang hindi pagkakaunawaan, tahimik ngunit makahulugan ang naging tribute ni Marjorie para sa kanyang ina. 

Ibinandera ng aktres sa kanyang Instagram Stories ang mga video na unang ipinost ng kanyang pamangkin na si Pocholo Barretto.

Makikita riyan 'yung masayang nakikipag-bonding si Inday sa kanyang mga apo. 

Sa isa pang mga clip, nasilayan din ang yumaong Barretto patriarch na si Miguel.

Baka Bet Mo: Claudine Barretto, Joaquin ibinandera huling sandali kay Mommy Inday

Marjorie Barretto, mga anak inalala si Mommy Inday: 'Rest in peace, Mama Day'
PHOTO: Instagram Stories

Samantala, inipon naman ni Dani ang ilang larawan mula sa kanilang family gatherings, kabilang na ang kanyang kasal, bilang paggunita sa espesyal na ugnayan nila ng kanyang lola. 

Ibinahagi rin niya ang isang litrato nina Inday at Miguel na may caption na, "Together again."

"I love you both," wika pa ni Dani sa kanyang yumaong mga lolo't lola. 

"Rest in peace, Mama Day," mensahe pa niya.

Marjorie Barretto, mga anak inalala si Mommy Inday: 'Rest in peace, Mama Day'
PHOTO: Instagram Stories

Hindi rin nagpahuli si Claudia na nagbahagi ng mga larawan nila ni Mommy Inday, habang magkayakap sa kanyang IG Stories, bilang pagpapakita ng kanyang pagmamahal at pamamaalam.

Marjorie Barretto, mga anak inalala si Mommy Inday: 'Rest in peace, Mama Day'
PHOTO: Instagram Stories

Matatandaang noong Oktubre ng nakaraang taon, umingay ang balitang nagkaroon ng alitan sina Marjorie at Inday matapos magsalita ang huli tungkol sa kanyang mga anak at umano'y "rivalry" ng mga ito sa isang panayam kay Ogie Diaz. 

Sa kabila nito, iginiit noon ni Marjorie na siya ay na-"misunderstood" ngunit nananatili pa rin ang kanyang pagmamahal para sa kanyang ina.

Ang pagpanaw ni Inday ay unang kinumpirma ng kapatid ni Marjorie na si JJ noong Huwebes, January 29. 

Hindi pa agad isinapubliko ang sanhi ng kanyang pagkamatay.

Kasunod nito, naglabas naman ng pahayag ang bunsong kapatid na si Claudine Barretto at sinabing sa kabila ng mga sigalot na pinagdaanan ng kanilang pamilya, nagkaisa raw ang magkakapatid matapos ang pagpanaw ng kanilang ina.

"We all did our part — JJ, Michie, Gia, G, Marjorie [and] all the apos pati apo sa tuhod. Pantay-pantay inalagaan ang mommy. We choose peace over everything," sey ni Claudine.

The post Marjorie Barretto, mga anak inalala si Mommy Inday: 'Rest in peace, Mama Day' appeared first on Bandera.


Marjorie Barretto, mga anak inalala si Mommy Inday: ‘Rest in peace, Mama Day’ Marjorie Barretto, mga anak inalala si Mommy Inday: ‘Rest in peace, Mama Day’ Reviewed by pinoyako on January 31, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close