BREAKING NEWS

Mario at Luigi balik-galaxy sa bagong ‘Super Mario’ movie, ipinasilip na

Mario at Luigi balik-galaxy sa bagong 'Super Mario' movie, ipinasilip na
PHOTO: Courtesy of Universal Pictures

MAS lalong iinit ang excitement ng mga Pinoy gamer at moviegoers ngayong taon!

Inilabas na ang bagong trailer ng "The Super Mario Galaxy Movie," ang kasunod ng 2023 blockbuster na "The Super Mario Bros Movie." 

Sa bagong pelikula, muling sasabak sina Mario at Luigi sa isang mas malaki, mas makulay, at mas wild na adventure sa kalawakan. 

Kasama na ngayon ang paboritong green dino na si Yoshi, na siguradong magdadagdag ng cuteness at chaos sa barkada. 

Baka Bet Mo: REVIEW: Bagong 'Anaconda' certified feel-good movie, wagi sa tawanan

Babalik din ang all-star voice cast na minahal ng fans, kabilang na sina Chris Pratt bilang Mario, Charlie Day bilang Luigi, Anya Taylor-Joy bilang Princess Peach, Jack Black bilang Bowser, at Keegan-Michael Key bilang Toad. 

Mas bongga pa, may dagdag pang bigating pangalan tulad nina Benny Safdie, Kevin Michael Richardson, at Brie Larson.

<iframe width="560" height="315" src="https://www.youtube.com/embed/bV-A2-iJc-Q?si=WjT95SUemOg3TcKz" title="YouTube video player" frameborder="0" allow="accelerometer; autoplay; clipboard-write; encrypted-media; gyroscope; picture-in-picture; web-share" referrerpolicy="strict-origin-when-cross-origin" allowfullscreen></iframe>

Ang "The Super Mario Galaxy Movie" ay follow-up ng 2023 hit na kumita ng mahigit $1.3 billion o halos P76.5 billion worldwide, kaya't hindi na nakapagtatakang mataas ang expectations ng fans sa bagong installment. 

Tulad ng nauna, ang pelikula ay animated at hango pa rin sa makulay at iconic na mundo ng Super Mario Bros.

Sa likod ng pelikula ay ang powerhouse collaboration nina Chris Meledandri ng Illumination at gaming legend na si Shigeru Miyamoto ng Nintendo. 

Co-financed ito ng Universal Pictures at Nintendo, at ipapalabas worldwide ng Universal Pictures.

Nagbabalik din ang director duo na sina Aaron Horvath at Michael Jelenic, habang si Matthew Fogel pa rin ang sumulat ng screenplay. 

Para sa musika, muling magbabalik si Brian Tyler upang bigyang-buhay ang epic feels ng galaxy adventure.

Mapapanood na sa Philippine cinemas sa April 4 ang "The Super Mario Galaxy Movie", kaya markahan na ang calendar at ihanda ang inyong mushroom power-ups! 

The post Mario at Luigi balik-galaxy sa bagong 'Super Mario' movie, ipinasilip na appeared first on Bandera.


Mario at Luigi balik-galaxy sa bagong ‘Super Mario’ movie, ipinasilip na Mario at Luigi balik-galaxy sa bagong ‘Super Mario’ movie, ipinasilip na Reviewed by pinoyako on January 31, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close