Khalil, Gabbi ‘destined’ sa love trilogy ng Ben&Ben: ‘Sumasakto in real life!’

PARANG nakatadhana talaga sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos sa pag-portray sa trilogy ng Ben&Ben –mula "Pagtingin," "Araw Araw", hanggang sa pinaka-recent na "Duyan."
Sa presscon na dinaluhan ng BANDERA, ibinahagi ng bassist ng banda na si Agnes Reoma kung bakit ang celebrity couple ang perfect para sa music video.
"Parang sumasakto lang na 'yung mga kanta namin ay parang papunta kung saan sila in real life," bungad niya.
Sey pa ng bassist, "Parang the universe—hindi namin iniisip nung una, parang we just wanted na may music video 'yung 'Duyan,' and then pasok siya kasi last time na gumawa kami with Gab and Khal is about Miguel and Karen, and ngayon itong 'Duyan' is about Miguel and Karen pa rin at sila pa rin 'yung nag-portray nito."
Baka Bet Mo: Ben&Ben Paolo na-'prank' sa araw ng kasal; Miguel may espesyal na payo sa kambal
"Sobrang grateful din kami kina Khal at Gab kasi sobrang game sila kahit busy na sila, at grabe yung emotions na naipakita nila," dagdag niya.
<iframe width="560" height="315" src="https://www.youtube.com/embed/ZFcWYt6-CyE?si=NHFrkmlj-TaFgmvN" title="YouTube video player" frameborder="0" allow="accelerometer; autoplay; clipboard-write; encrypted-media; gyroscope; picture-in-picture; web-share" referrerpolicy="strict-origin-when-cross-origin" allowfullscreen></iframe> Kwento naman ni Miguel Benjamin Guico, ang composer ng kanta: "Nakakatuwa kasi very parallel 'yung timing ng mga kanta sa kwento nila. Halos bago pa sila nu'ng 'Pagtingin,' tapos nung 'Araw Araw,' nare-realize nila na 'yun ang one for them."
"Marami na ring taon ang lumipas bago kami nag-reconnect, at parang parallel lang 'yung season ng buhay nila sa kanta. Kahit hindi pa sila ikakasal, ramdam na ramdam ang connection nila sa mga phases ng kanta," sambit ng lead vocalist.
Tinalakay din ni Miguel kung paano na-conceptualize ang music video: "Nakasentro siya sa tema ng kanta—simple lang ang sinasabi, na kapag ikaw ay kinasal, alam natin na hindi madali ang buhay. Napakataas ng highs, napakalalim ng lows, parang roller coaster."
"Ang video ay artful portrayal ng phases ng buhay, pero babalikan nila 'yung araw kung kailan nagsimula ang lahat, which is kung kailan kayo kinasal," paliwanag pa niya.
<iframe src="https://www.facebook.com/plugins/post.php?href=https%3A%2F%2Fwww.facebook.com%2Fbanderaphl%2Fposts%2Fpfbid02YnX7FM9Scd8EYKRvFTkSGfLs6ZfTT6AafpPtyJpMtyc3SdQgPkFiZRbEbXxdHfK6l&show_text=true&width=500" width="500" height="710" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowfullscreen="true" allow="autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share"></iframe> Ang "Duyan" ang pinakabagong single ng Ben&Ben, isang pop-rock ballad tungkol sa pagmamahal na hindi natitinag ng distansya, panahon, at pagsubok.
Ito ang huling kabanata ng Mahiwaga Trilogy ng banda, na nagsimula sa "Pagtingin" at sinundan ng "Araw Araw."
Bukod sa touching lyrics, mas lalong naging espesyal ang kanta dahil ang music video ay pinagbibidahan muli nina Khalil at Gabbi, isang full-circle moment na siguradong kinilig at nae-empathize ng fans.
Sa direksyon ni Daniel Aguilar ng Lunchbox Studios, ipinapakita ng video ang realism at damdamin ng bawat phase ng relasyon, habang ang musika ay patuloy na pinagyaman ng banda at producer na si Ziv.
Ang "Duyan" ay mapapakinggan na sa lahat ng digital platforms worldwide via Sony Music Entertainment.
The post Khalil, Gabbi 'destined' sa love trilogy ng Ben&Ben: 'Sumasakto in real life!' appeared first on Bandera.

No comments: