Tuesday Vargas binarag mga pasaway na Pinoy sa airport: Nakakahiya talaga!

SUMANG-AYON ang mga netizens sa mga hugot ng aktres na si Tuesday Vargas patungkol sa mga pasaway na pasahero sa airport.
Bagong Taon na naman daw pero hanggang ngayon ay wala pa rin siyang nakikitang pagbabago sa ugali ng ilan nating mga kababayan kapag umaalis o umuuwi ng Pilipinas.
Sa kanyang Facebook page, inisa-isa ng host at komedyana ang mga kinaiinisang karanasan sa airport, kabilang na ang hindi maayos na pagpila ng mga pasahero sa check-in counters.
"Napakaagang pumila ng Pilipino sa airport kasi sanay tayo na mabagal ang systema at mahaba ang pila. Kaya 4 hours before minsan nasa check in counter na. Kaso ang di ko maunawaan is bakit po need natin gumawa ng mga as in MGA (plural) pila na minsan naka harang pa sa daan.
"May isang Briton na di makakuha ng luggage tag sa machine kanina kasi nakaharang mga gamit ng mga nasa pila na hindi naman andun dapat. Nagsabi pa yung ale nung nagreklamo ang foreigner 'aba eh kanina pa kami dito! Ano aalis kami para lang maka daan siya?'
"Natulala yung ground staff. Umalis na lang yung foreigner na umi iling iling. Medyo nakaka hiya po kasi pwede namang 1 line lang at doon sa maayos na parte na di nakaka sagabal dapat," simulang pagbabahagi ni Tuesday.
Nabanggit din niya ang tungkol sa security check kung saan hiwa-hiwalay at sobra-sobra ang dalang bagahe ng ilang pasahero na siyang nagiging dahilan ng mas matagal na proseso.
"Ang mga bag sa security ay hiwa hiwalay, lalo tuloy nagtatagal. 7kg is policy. If you want more, you pay more. Yan ang sabi sa akin ng nasa check in. Pero sadyang matigas ang ulo ng mga Pinoy at galit pa kapag pag sasabihan. Ginagawa lang nila ang work nila, sumunod po tayo.
"Yung mga stand behind the yellow line, remain seated, do not stand up to get your bags yet mga 5 times inuulit ng mga FA at minsan may galit na. Kasi pagka lapag tatayo agad, unahan sa harap, na para bang minamadali. Lahat po tayo makaka labas, may rason why these rules are in place," ang sentimyento pa ng aktres.
Tungkol naman sa mga upuan sa waiting lounge, may pasaway ding mga pasahero na naglalagay ng mga bag sa bakanteng upuan dahil ayaw nilang magpaupo ng ibang tao.
"Last na, yung mga naglalagay ng bag sa upuan sa waiting lounge na akala mo ay personal nilang area yun at ayaw magpa upo ay sobrang di nakaka tuwa. May ale pa na binugaw ang anak ko kanina at nilagay nyang mariin ulet sa BAKANTEng upuan ang bag nya para di maka upo ang anak ko. Bakit po?
"Tanong ko lang, walang nakaupo ayaw nyo pauupuan? Wala pong umupo doon hanggat sa maka board kami, bag lang talaga nung ale. Ang labo!" sumbong pa ng komedyana.
Panawagan pa niya, "Yun lamang naman. Sana kahit pa nasan tayo, ano man lahi na kaharap natin, baguhin na natin yung kawalan ng disiplina. Bukod sa nakaka hiya ito, yan din ang rason bakit as a nation di tayo maka usad.
"WE NEED TO FOLLOW RULES. We need to start with ourselves kasi sa aking pag mamatyag ay talagang minsan TAYO na ang problema," mensahe pa ng komedyana.
Maraming nagkomento sa post ni Tuesday na relate much sa kanyang mga experience. Narito ang ilan:
"Kaya di umaasenso din ang Pinas dahil sa mga taong Hindi nasunod sa Batas or rules. Ganyan Ang iBang Pinoy para bang mamamatay Sila kung susunod sila sa rules. Kakahiya talaga."
"Baka dapat po paulit2x at focus sa level ng nursery gang grade school ang sumunod sa rules at protocols. Para habang bata pa lang, nakatanim na sa isipan ang kahalagahan ng pagsunod para sa maayos na komunidad at lipunan. Medyo nakakahiya nga ang ibang kababayan na hindi sumusunod."
"Real talk lang Ms. Tuesday Vargas most Filipino are so feeling privileged. Nakasanayan na natin siguro kasi mahilig Tayo magpalusot sa mga simpleng rules. CLAYGO, Bawal magtapon Ng basura, bawal tumawid, no parking just to name a few. I believe in you if we want discipline it must all start with ourselves. Just saying."
"This is very true Ms. Tuesday. As a Pinoy living in Japan, minsan nakakainggit talaga ang pagiging disiplinado ng mga Hapon, nakakapagtaka bakit hindi kaya ng Pinoy. Ang mindset kasi ng Hapon ay huwag makaabala ng kapwa nila lalo na sa public places. Mas inuuna nila ang kapakanan ng kapwa at nakararami."
"Agree ako sa lahat ng observations mo sana mabasa ito ng lahat at sana may realization sa lahat ng tatamaan"
"Number 4 ang malala..true ang bag pa ang papaupuin..minsan ginagawa pang kama ang upuan..occupied ang isang hilerang upuan para tulugan nila..kalerkey."
"Yan ang ugali lageng 'Feeling Entitled.' Just be considerate to others and always choose to be kind. Hindi naman siguro malaking kawalan sa pagkatao kapag ginawa yun."
The post Tuesday Vargas binarag mga pasaway na Pinoy sa airport: Nakakahiya talaga! appeared first on Bandera.

No comments: