BREAKING NEWS

B-day wish ni Ogie Diaz kay Liza: Sana’y mapaligiran ka ng mga tamang tao 

B-day wish ni Ogie Diaz kay Liza: Sana'y mapaligiran ka ng mga tamang tao 
Ogie Diaz at Liza Soberano

MAKAHULUGAN ang naging birthday wish ng talent manager at content creator na si Ogie Diaz para sa dati niyang talent na si Liza Soberano.

Nag-celebrate ng kanyang ika-28 kaarawan ang dating Kapamilya actress nitong nagdaang Linggo, January 4.

Sa My Story ni Mama Ogs sa Facebook ay nagbahagi siya ng kanyang mensahe para sa dati niyang talent at hiling niya na sana'y maabot ng dalaga ang lahat ng mga pangarap niya, kabilang na ang inaasam nitong Hollywood Dream.

"Happy bday, Liza Soberano! Sana ma-achieve mo ang dream mo to make it big in Hollywood! 

"Sana ay mapaligiran ka din ng mga tamang tao para mas mabilis mo siyang ma-achieve! Love you, Hopie!" ang birthday wish ng content creator sa ex-girlfriend ni Enrique Gil.

Nagpasalamat naman si Liza sa lahat ng nga nakaalala at bumati sa kanyang kaarawan sa pamamagitan ng kanyang social media page.

"Thank you for all the birthday greetings. I may not be able to respond to each and every one of you but please know they are deeply appreciated!! 

"I have so much more to say but for now here are some photos from this shoot I produced back home in the Philippines with the best team," ang mensahe ng aktres.

Muling mapapanood si Liza sa animated film na "Forgotten Island" with Lea Salonga, Manny Jacinto, and H.E.R.. Iikot ang kuwento nito sa Philippine mythology.

Una nang umapir ang aktres sa Hollywood movie na "Lisa Frankenstein" noong 2024 kung saan gumanap siya bilang si Taffy. Ito'y pinagbidahan nina Kathryn Newton, Cole Sprouse, Henry Eikenberry, Joe Chrest, at Carla Gugino. 

The post B-day wish ni Ogie Diaz kay Liza: Sana'y mapaligiran ka ng mga tamang tao  appeared first on Bandera.


B-day wish ni Ogie Diaz kay Liza: Sana’y mapaligiran ka ng mga tamang tao  B-day wish ni Ogie Diaz kay Liza: Sana’y mapaligiran ka ng mga tamang tao  Reviewed by pinoyako on January 05, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close