Klea Pineda, Janella Salvador sweet na sweet na nag-celebrate ng New Year

MAGKASAMA at sweet na sweet na sinalubong ng rumored couple na sina Klea Pineda at Janella Salvador ang Bagong Taon.
Base sa mga ibinahaging litrato ng Kapuso actress sa kanyang Facebook account, bukod sa kanyang pamilya, naki-celebrate rin si Janella sa kanila para sa pagsalubong sa Bagong Taon.
Makikita sa mga ipinost ni Klea sa FB ang ilang kaganapan sa kanilang Media Noche, kabilang na nga riyan ang litrato nila ni Janella together.
"Late post, but we're sooooo ready for you 2026!" ang inilagay na caption na Sparkle artist sa kanyang post.
Sure na sure kami na mas happy at mas memorable para kina Janella at Klea ang kanilang New Year celebration dahil nga magkasama sila sa pagpasok ng Bagong Taon.
At in fairness, mukhang tanggap na tanggap naman ng pamilya ng Kapuso star ang rumored relationship nila ni Janella.
Kamakailan lamang ay pinusuan din ng kanilang mga supporter ang mga pictures nila na magkasama na kuha sa pagbabakasyon nila sa Los Angeles, California.
Aminado si Janella na talagang naging super close sila ng Kapuso star dahil sa pelikula nilang "Open Endings" na entry sa Cinemalaya Independent Film Festival 2025.
Feeling ng aktres ay wala siyang kailangang ipaliwanag sa publiko tungkol sa personal na buhay nila ni Klea.
"Honestly, at this point I don't think we owe anyone naman an explanation about personal things. Kumbaga, so you feel free to think what you think.
"Feel free to interpret what you feel like interpreting. Kung anuman yung nakikita ninyo…alam n'yo naman ako, lagi ako nagpapakatotoo.
"Real lang ako palagi, so if I feel like sharing anything in the future, I promise you, kung ano ang makikita ninyo," sey ng Kapamilya actress.
The post Klea Pineda, Janella Salvador sweet na sweet na nag-celebrate ng New Year appeared first on Bandera.

No comments: