BREAKING NEWS

Sue Ramirez humiling uli ng dasal, operasyon ng ina naudlot

Sue Ramirez humiling uli ng dasal, operasyon ng ina naudlot

MULING kumakatok sa mga puso ang Kapamilya actress na si Sue Ramirez na sana'y isama ang kanyang ina sa mga dasal matapos maudlit ang nakatakda nitong operasyon.

Matatandaang dapat ay sasailalim ang ina ng aktres sa isang open heart surgery nitong Miyerkules, January 7.

Nanawagan pa nga si Sue sa madlang pipol kung sino ang mga mabubuting puso na nagnanais mag-donate ng kanilang dugo dahil marami ang kakailanganin ng kanyang ina kapag sumalang na ito sa operasyon.

Ngunit sa kanyang Instagram story nitong Miyerkules, January 7, sinabi niyang na-postpone ang operasyon dahil nagkaroon ng pneumonia ang kanyang ina.

Baka Bet Mo: Sue Ramirez nanawagan ng blood donors para sa operasyon ng inang maysakit

"My mom's operation was postponed because she developed pneumonia. Her lungs need to be in good condition for the surgery to push through," saad ni Sue.

Hiling ng aktres ang karagdagang dasal para sa ikabubuti ng lagay ng kanyang mommy.

"Please continue to pray for her health and healing. That her lungs recover fully, that she gains the strength she needs for the operation, and that her mind and body be ready to endure the pain of recovery," sey pa ni Sue.

Dasal rin niya na sana'y makauwi na sila ng kanilang bahay."We also pray that she gets well soon so we can finally take her home," hirit pa ni Sue.

The post Sue Ramirez humiling uli ng dasal, operasyon ng ina naudlot appeared first on Bandera.


Sue Ramirez humiling uli ng dasal, operasyon ng ina naudlot Sue Ramirez humiling uli ng dasal, operasyon ng ina naudlot Reviewed by pinoyako on January 08, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close