BREAKING NEWS

Kiko Pangilinan sa mga bagong abogado: Piliin ang maglingkod

ISANG mensahe ang ipinaabot ni Sen. Kiko Pangilinan para sa mga abogadong nakapasa sa 2025 Bar Examinations.

ISANG mensahe ang ipinaabot ni Sen. Kiko Pangilinan para sa mga abogadong nakapasa sa 2025 Bar Examinations.

Sa kanyang X (dating Twitter) account, nagpaalala ang senador sa tungkulin ng mga bagong "Atty." na hindi basta-basta ibinibida.

"Welcome to the work of lawyering. Sa panahong parang walang batas at nilulunod ang bansa sa kurakot, hindi lang flex ang pagiging 'Atty.' Tungkulin ito," saad ni Pangilinan.

Aniya, ang mga abogado ay kailangan ng bansa.

Baka Bet Mo: Formalin sa imported meat, gulay – babala ni Kiko Pangilinan

"Kailangan kayo sa pamahalaan, sa mga korte, sa mga unyon, at sa mga pamayanan. Piliin ang maglingkod kahit na magulo at hindi glamoroso," sabi pa ni Pangilinan.

Dagdag pa ng senador, "Practice with integrity, consistency, and a bias for truth and social justice. Be lawyers who ask who benefits, who gets left out, and who pays the price. Then act."

Ipinaalala rin ni Pangilinan na hindi basta-basta natatapos sa pagiging abogado ang pagpasa sa Bar exam.

"The Bar is not a finish line. It is a gate to what you can do. Nag-uumpisa pa lang ang exciting part," sey ng senador.

Hindi rin nakalimutan ni Pangilinan na magpaabot ng mensahe para sa mga nabigong makapasa sa Bar exams.

"Not everything that fails is lost. Failing the Bar is not a final judgment on your intelligence, grit, or calling. It's simply one snapshot, not the whole story," sabi pa ni Pangilinan.

Matatandaang umabot sa 5,594 ang mga nakapasa mula sa 11,000 na kumuha ng Bar exams noong September 2025.

The post Kiko Pangilinan sa mga bagong abogado: Piliin ang maglingkod appeared first on Bandera.


Kiko Pangilinan sa mga bagong abogado: Piliin ang maglingkod Kiko Pangilinan sa mga bagong abogado: Piliin ang maglingkod Reviewed by pinoyako on January 08, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close