BREAKING NEWS

Babae pinatay, isinilid sa storage box; live-in partner sumuko

Babae pinatay, isinilid sa storage box; live-in partner sumuko

IPINAG-UTOS ni acting PNP Chief Jose Melencio Nartatez Jr., ang masusing pag-iimbestiga sa kaso ng bangkay ng babae na nakasilid sa black storage box at pinalutang sa ilog sa Basud, Camarines Norte.

Ito ay sa kabila ng pagsuko ng suspek, ang live-in partner ng biktima at isang guwardiya, sa Rosario Police Station sa Batangas.

Pinatitiyak ni Nartatez na mabibigyan ng hustisya ang 38-anyos na biktima.

Baka Bet Mo: Ivana Alawi diretso pa rin sa pagkanta, babae nakaladkad sa escalator

Nabatid na isinakay pa ng suspek ang kahon na naglalaman ng bangkay sa isang bus sa Calamba City sa Laguna at nagtungo sa bayan ng Basud para itapon ang biktima.

Noong Enero 2 natagpuan ang palutang-lutang na plastic box sa ilalim ng Pinagwarasan Bridge sa naturang bayan.

Inaalam pa ang tunay na motibo sa pagpatay, samantalang ang suspek ay nasa kustodiya na ngayon ng Cabuyao City Police sa Laguna.

The post Babae pinatay, isinilid sa storage box; live-in partner sumuko appeared first on Bandera.


Babae pinatay, isinilid sa storage box; live-in partner sumuko Babae pinatay, isinilid sa storage box; live-in partner sumuko Reviewed by pinoyako on January 08, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close