BREAKING NEWS

SexBomb Cheche nagpakasal na kay Jezer Quian Sotto sa Amerika

SexBomb Cheche nagpakasal na kay Jezer Quian Sotto sa Amerika
Sexbomb Cheche Tolentino at Jezer Quian Sotto

PASABOG ang pagpasok ng Bagong Taon para kay SexBomb Cheche Tolentino dahil nagpakasal na siya sa kanyang partner na si Jezer Quian Sotto.

Nangyari ang intimate wedding ng dalawa sa San Diego, California sa Amerika nitong nagdaang January 5, na dinaluhan ng kanilang mga pamilya at ilang malalapit na kaibigan.

Sa kanyang social media account, ibinahagi ni SexBomb Cheche ang ilang litrato na kuha sa kasal nila ni Jezer na may caption na, "Mr. & Mrs. Sotto."

Bumuhos naman ang pagbati sa bagong kasal mula sa kanilang mga kaibigan at social media followers, kabilang na ang ilan sa mga celebrity friends ni Cheche.

"Wahhhh congrats partnert," ang pagbati ng Kapamilya TV host-comedienne na si Melai Cantiveros.

Komento ni Arlene Muhlach, "Uy!!! Congratulations and best wishes to you and the groom!!!"

Bumati rin ang kapatid ni Cheche at kapwa SexBomb member na si Sandy Tolentino, "Congratulations bunso Cherryl Tolentino & Jezer Quian Sotto. Finally. GetgetAwww Super happy ang ate mo sayo."

Sey naman ni SexBomb Izzy Trazona, "whaaaa totoo ba??? Love you che!! Congratssssss!!!"

Matatandaan na noong  June, 2025 ay ibinandera ni Cheche ang plano niyang manirahan na sa Amerika kasama si Jezer na fiancé pa lamang niya noon. Sa US na kasi naka-base ang guy na isa ring Pinoy.

"Kasi po ngayon, ako, nag-apply na ako sa fiancé visa…tayo'y magpapakasal na. Wow!" sey niya sa isang interview.

Samantala, wala pang balita kung makakasama si Cheche sa third round ng dance concert ng SexBomb Girls sa darating na February.

The post SexBomb Cheche nagpakasal na kay Jezer Quian Sotto sa Amerika appeared first on Bandera.


SexBomb Cheche nagpakasal na kay Jezer Quian Sotto sa Amerika SexBomb Cheche nagpakasal na kay Jezer Quian Sotto sa Amerika Reviewed by pinoyako on January 06, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close