6.4 magnitude na lindol tumama sa Manay, Davao Oriental ngayong Jan. 7

NIYANIG ng 6.4 magnitude na lindol ang munisipalidad ng Manay sa Davao Oriental alas-11:02 ng umaga ngayong Miyerkules, January 7.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) natunton ang epicenter ng lindol sa layong 47 km timog-silangan ng Manay, Davao Oriental.
Naramdaman ang Intensity II na lindol sa Davao City habang na-monitor naman sa Instrumental Intensity IV sa Malungon, Sarangani.
Sinabi ng Phivolcs na tectonic ang pinagmulan ng pagyanig at may lalim na focus na 42 kilometro.
Ayon sa ahensiya, walang banta ng tsunami matapos ang pagyanig ngunit inaasahan ang pinsala at aftershocks.
Nangyari ito wala pang tatlong buwan matapos ang doublet quake na ikinamatay ng siyam na tao at libu-libo din ang lumikas sa Manay, Davao Oriental noong Oktubre 10 noong nakaraang taon.
The post 6.4 magnitude na lindol tumama sa Manay, Davao Oriental ngayong Jan. 7 appeared first on Bandera.

No comments: