Rodrigo Duterte long hair na sa loob ng kulungan, muling dinalaw ng mga anak

MULING bumisita ang magkapatid na sina Davao City. Rep. Paolo "Pulong" Duterte at Veronica "Kitty" Duterte sa kanilang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa The Hague, Netherlands.
Nagkuwento si Cong. Pulong tungkol sa kalagayan ngayon ng kanilang tatay na nakakulong pa rin sa detention facility ng International Criminal Court (ICC) sa The Hague dahil sa kasong "crime against humanity."
Napanood namin sa Facebook page na "Alvin & Tourism" ang panayam nito kay Pulong patungkol sa pagbisita nila sa nakapiit na ama.
Ayon sa kongresista, nang dumating sila sa ICC ay hindi pa raw nakakakain ng tanghalian ang dating pangulo.
Mahaba na rin daw ang buhok ni Duterte at buong umaga lang daw itong tulog bago sila dumating. Bumangon lang daw ito nang dumating ang dalawa niyang anak.
"Long hair na siya. Wala na nagkaon paniugto kay natulog lang siya whole morning until nag-abot mi didto pa nagbango," sabi ng kongresista.
Siniguro naman niyang nasa maayos na kalagayan ang kalusugan ng ama at kahit umuulan doon ngayon ng snow at sobrang lamig ng panahon, kontrolado naman ang temperatura sa loob ng detention center.
Mag-iisang taon nang nakakulong si Duterte sa The Hague sa darating na Marso. Noong Nobyembre, ibinasura ng ICC ang hiling na interim release sa dating presidente.
The post Rodrigo Duterte long hair na sa loob ng kulungan, muling dinalaw ng mga anak appeared first on Bandera.

No comments: