BREAKING NEWS

MMDA pag-aaralan pagbaba ng ticket price, group package para sa MMFF 2026

MMDA pag-aaralan pagbaba ng ticket price, group package para sa MMFF 2026

HINDI nalampasan o pumantay man lang ang kinita ng walong Metro Manila Film Festival (MMFF) 2025 entry kumpara noong nakaraang taon.

Isa sa mga dahilan umano ng mababang gross para sa MMFF this year ay ang napakamahal na presyo ng ticket sa mga sinehan na hindi na afford ng mga Pilipino.

Sa pag-ikot namin sa ilang sinehan nitong mga nagdaang araw, ang ticket price ay nagre-range ng halos P400 hanggang P600 at meron pa ngang mas mataas pa.

Aminado naman ang si MMDA Chairman at MMFF Overall chairperson na si Atty. Don Artes hinggil sa reklamong ito ng mga manonood.

Ngunit ayon kay Artes, kahit daw P100 million short ang kinita this year ng MMFF, medyo bumawi naman daw ang halos lahat ng entry pagkatapos ng holiday break.

"Kaya ko nasabi na successful, kasi 7 out of 8 movies lumampas sa 8 digits yung gross receipts nila which is first time din nangyari. Nu'ng mga previous years, isa dalawa lang ang 8 digits and the rest pababa na nang pababa," ang pahayag ni Artes sa panayam ng ABS-CBN.

Kasunod nito, nakipag-usap din daw ang MMDA at MMFF organizers sa mga producer at Cinema Exhibitors Association of the Philippines (CEAP) para i-extend ang festival run.

"We're going to extend it until January 14, ngayon compared to last year on a daily basis mas mataas yung gross. As in mataas, malaki pa. So we're extending it a week," ani Artes.

Sabi naman niya tungkol sa inirereklamong mahal na presyo ng ticket sa mga sinehan, "Ako personally, dapat hindi lalampas ng P300 ang presyo ng sine." 

Para sa MMFF this year, sisikapin daw ng MMDA na makagawa ng paraan para i-address ang isyu, tulad ng pag-offer ng "cinema bundles and packages" lalo na sa mga grupong sumusugod sa sinehan para manood.

"Yan pa pwedeng i-consider yan, kunwari kung P400 yung ticket, gawin nating P600 for two, para ma-encourage lalo na yung mga families," saad pa ni Artes.

Pagpapatuloy pa niya, "Medyo mababa ang consumer spending natin ngayon. Ang pelikula naman among the priorities, hindi siya priority.

"Siguro, walang pambata ngayon eh. Itong festival na ito mix siya ng commercial and artistic. Noong mga nakaraang panahon, more on the commercial side siya.

"This time, tumataas yung artistic value ng mga pelikula. Na tingin ko, nakakaapekto doon sa commerical value," dagdag ni Artes.

The post MMDA pag-aaralan pagbaba ng ticket price, group package para sa MMFF 2026 appeared first on Bandera.


MMDA pag-aaralan pagbaba ng ticket price, group package para sa MMFF 2026 MMDA pag-aaralan pagbaba ng ticket price, group package para sa MMFF 2026 Reviewed by pinoyako on January 06, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close