BREAKING NEWS

Mayon Volcano entry points gwardiyado, paglilikas nagsimula na

Mayon Volcano entry points gwardiyado, paglilikas nagsimula na

BANTAY-SARADO na ng mga pulis ang lahat ng mga lugar na maaaring pasukan patungo sa nag-aalburutong Mayon Volcano kasunod ng pagtaas ng Alert Level 3.

Ayon kay acting PNP Chief Jose Melencio Nartatez inatasan din niya ang mga pulis sa Bicol Region na tumulong sa pagsasagawa ng mga lokal na pamahalaan ng Albay ng preemptive evacuation.

Pinatitiyak din niya ang kaligtasan ng mga residente ng mga komunidad malapit sa six-kilometer permanent danger zone (PDZ) ng Bulkang Mayon.

Nabatid na may mga residente sa bayan ng Camalig na lumikas na at may mga naiwan upang bantayan ang kanilang mga ari-arian.

Binanggit din ni Nartatez na may checkpoints sa entry points sa danger zones at pinaigting din ang presensiya ng mga pulis sa buong lalawigan.

Hinikayat niya ang mga residente na sumunod sa lahat ng abiso ng Phivolcs at lokal na pamahalaan.

The post Mayon Volcano entry points gwardiyado, paglilikas nagsimula na appeared first on Bandera.


Mayon Volcano entry points gwardiyado, paglilikas nagsimula na Mayon Volcano entry points gwardiyado, paglilikas nagsimula na Reviewed by pinoyako on January 06, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close