Harry Roque miss na miss na ang anak at asawa: Pero nairaos din po ang Pasko

KAHIT wala sa Pilipinas at hindi nakasama ang buong pamilya, naging "merry" pa rin naman daw ang Pasko para kay dating presidential spokesperson na si Atty. Harry Roque.
Dalawang taon nang nasa ibang bansa si Roque na wanted for human trafficking dito sa Pilipinas dahil sa umano'y pagkakasangkot niya sa POGO o Philippine Offshore Gaming Operator.
Sa isang Facebook post, ipinakita ni Roque sa mga netizens ang pagbabaklas niya ng kanyang Christmas tree, nitong nagdaang January 3, o ang Araw ng Tatlong Hari.
"Nairaos din po ang Pasko!" ang nakalagay sa caption ng kanyang video post.
Sabi ng dating opisyal, "Nakadalawang taon na po akong wala sa Pilipinas, pero I have to say, ito naman po ay… kahit malayo sa pamilya, eh nagkaroon naman ng Merry Christmas.
"At ngayon po ay Pasko ng Tatlong Hari, tapos na ang Pasko kaya nililigpit na po ang Christmas tree," aniya pa.
Pagpapatuloy ng kilalang kaalyado ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, "Siguro po, ang aking mensahe, ngayong tapos na ang Pasko ng 2025, well, lahat naman po ng pinagdadaanan natin, meron ding katapusan.
"Siyempre, gaya ng Pasko na dumarating at lumilipas, isang taon na naman ang ating aantayin, at aabangan nating muli ang susunod na Pasko. Ganyan po talaga ang buhay," pahayag pa ni Roque.
Dugtong pa niya, "Ngayon po, naging masaya naman po ang ating Pasko, nakasama ko po ang isa kong anak.
"Nami-miss ko 'yong isa ko pang anak, ang aking maybahay, pero at least po, binigyan tayo ng Panginoon ng maligayang Pasko.
"Sana kayo po, nagkaroon din ng maligayang Pasko. At sana, gaya ko, mapagod din kayo kakaligpit ng mga dekorasyon," ang mensahe pa ni Harry Roque.
The post Harry Roque miss na miss na ang anak at asawa: Pero nairaos din po ang Pasko appeared first on Bandera.

No comments: