Julia Montes shookt nang biglang tukain ni Coco sa stage: Wala yun sa usapan!

WALA pala sa usapan ng celebrity couple na sina Julia Montes at Coco Martin ang pinag-usapang paghahalikan nila sa ABS-CBN Christmas Special 2025.
Nag-viral sa social media ang kissing scene ng magkarelasyon kung saan bigla na lang tinuka ni Coco si Julia habang nagpe-perform sila on stage para sa naturang TV special.
Kilala ang magdyowa na malihim at pa-low profile pagdating sa kanilan relationship at pribadong buhay kaya naman ikinagulat ng madlang pipol ang naturang eksena sa Christmas Special ng Kapamilya Network.
Base sa napanood naming video, makikita si Coco na hinaharana si Julia sa kantang "Kasama Kang Tumanda." Kasunod nito ang aktres naman ang kumanta ng "Grow Old With You".
At bago nga matapos ang kanilang production number ay bigla na lang hinalikan ni Coco si Julia. "Ako rin nagulat," ang pahayag ng Kapamilya actress sa panayam ng ABS-CBN.
"Pero sobrang saya lang siguro…wala gulat din kasi ako, eh. Ang ine-expect ko lang…ang usapan kasi namin, 'oh enjoy lang tayo ha' kasi alam niyang nahihiya ako. So sabi niya lang sakin 'basta enjoy lang tayo' sabi ko 'okay.'
"Pagdating sa stage ayun na, fi-neel ko lang na para lang kaming nagkukulitan sa tugtog," sey ni Julia.
Pero paglilinaw ng aktres, wala talaga sa usapan nila ni Coco ang nangyaring lips-to-lips, "Nu'ng kiniss niya ako hindi ko rin in-expect. Parang sumagot lang ako tapos na-realize ko 'ay nasa stage tayo!'
"Ayun, happy lang rin siguro to share na happy ang life, happy ang love life. Happy life," aniya pa.
Matatandaang sa isang panayam ay inilarawan ni Julia ang relasyon nila ni Coco na parang isang fairytale, "Nasabi ko na sa past interview na parang knight in shining armor ko siya kasi siyempre lahat naman tayo nu'ng kabataan, may phase ka talaga na parang maggi-give up ka sa life.
"Ang prayer ko lang kay Lord, specifically, 'Lord pagod na ako mag-alaga, gusto ko naman ako 'yung alagaan.' Tapos ito na siya, Coco Martin," sey ng aktres.
The post Julia Montes shookt nang biglang tukain ni Coco sa stage: Wala yun sa usapan! appeared first on Bandera.

No comments: