BREAKING NEWS

#SerbisyoBandera: Ashley Ortega nagbigay saya, pagmamahal sa mga bata sa Rizal

#SerbisyoBandera: Ashley Ortega nagbigay saya, pagmamahal sa mga bata sa Rizal
PHOTO: Courtesy of Sugar Dolls PH

NAPUNO ng saya ang basketball court ng isang komunidad sa San Mateo, Rizal nang maghatid ng regalo ang aktres na si Ashley Ortega sa isang espesyal na holiday outreach para sa 300 na bata.

Kasama rin sa gift-giving event sina Ralph Malibunas, Jan Silva, Mark Cruz, Kate Jalipa, Juliana Villafuerte, Neron Mendiola, at RJ Perkins.

Nagsimula ang programa sa isang masayang clown show at live performances na nagpataas ng excitement ng mga bata. 

Sa gift distribution, mahigit 760 loot bags at regalo ang naipamahagi, kasama ang 300 packed meals, na nagpasaya sa bawat isa sa kanila.

Baka Bet Mo: Ashley Ortega matapos lumabas sa PBB: I hope I get to inspire a lot of people!

Pinangunahan ang outreach nina Ms. Chardy Baldoza a.k.a. Cha Canicosa, Marketing Director at event organizer, sa tulong ng Sugar Dolls Inc. PH. 

Ayon sa kanila, layunin ng aktibidad na ipadama sa mga bata na sila ay mahalaga at pinahahalagahan, lalo na sa panahon ng Kapaskuhan.

Ang proyekto ay naging matagumpay dahil sa suporta ng Core Management Team at mga partner tulad nina Ana Lusong, Hazelyn Perez, Carlo Villanueva, Pastor Vhern, at Ms. LA Marquez. 

Ang kanilang sama-samang effort ay nagpatunay na kapag nagkaisa, mas maraming puso ang naaabot.

Ayon sa Pinoy beauty brand na Sugar Dolls Inc. PH, hindi lang ito tungkol sa pagpapaganda, kundi sa paggamit ng beauty bilang instrumento para magbigay inspirasyon at magpakalat ng kabutihan sa komunidad. 

Sa pamamagitan ng pagbibigay ng saya, pagmamahal, at malasakit sa mga bata, naipapakita ng brand ang tunay na diwa ng Pasko, lalo na pagdating sa pagbibigayan at pagkakaisa.

Sa pagtatapos ng programa, ang naiwang pakiramdam ay hindi lamang kagalakan kundi tunay na koneksyon at malasakit sa kapwa. 

The post #SerbisyoBandera: Ashley Ortega nagbigay saya, pagmamahal sa mga bata sa Rizal appeared first on Bandera.


#SerbisyoBandera: Ashley Ortega nagbigay saya, pagmamahal sa mga bata sa Rizal #SerbisyoBandera: Ashley Ortega nagbigay saya, pagmamahal sa mga bata sa Rizal Reviewed by pinoyako on January 08, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close