Janella Salvador: Sir chief’s girls are for the girls

HINDI napigilan ng Kapamilya actress na si Janella Salvador ang mapa-react matapos mag-trending ang kanilang dating larawan sa teleseryeng "Be Careful with my Heart".
Marami kasi sa mga netizens ang nagbaliktanaw sa naturang cast matapos umere ang episode ng "What Lies Beneath" kung saan na-expose ang pagmamahalan ng batang Louisa na si Mutya Orquia at batang Liezel na si Kolette Madelo.
Nakitaan kasi ng chemistry ang dalawa at talagang nag-viral at naging hot topic sa social media.
Dahil dito ay muling nahalungkat ng netizens ang family photo kasama sina Jerome Ponce, Jodi Sta. Maria, at Richard Yap.
Baka Bet Mo: Janella Salvador nagbabala: You will hear from me
Mayroon ring nag-post ng larawan nina Mutya at Janella na kuha sa iba pa nilang projects.
"Sapphic yearning tapos kalaban mo mga anak ni sir chief," saad ng isang netizen.
Ni-repost naman ito ni Janella ang naturang post sa kanyang X (dating Twitter) account."sir chief's girls are for the girls," saad ng aktres.
Marami naman ang naaliw sa shared post ni Janella.
"bading yung dalawang anak ni sir chief???? WE CHEERED"
"Di nabantayan ni Sir Chief kasi naka focus kay Maya"
"KAYA PALA PAG MAY GL DROUGHT YAN ANG NIREREWATCH KO AHAHAHHAHAH CLOSE TO HOME"
Matatandaang iniintrigang may relasyon si Janella sa Kapuso actress na si Klea Pineda ngunit sa kabila ng pagiging lantad ng dalawa ay wala pang diretsahang pag-amin mula sa dalawa.
The post Janella Salvador: Sir chief's girls are for the girls appeared first on Bandera.

No comments: