Robin Padilla saludo kay Bato: Sa bawat laban, kita ang tapang!

PARA kay Sen. Robin Padilla, isang tunay na leader ang kapwa niya senador na si Sen. Bato dela Rosa na hindi natatakot manindigan para sa katotohanan at katarungan.
Todo-puri ang action star at politiko sa kanyang kaibigan nang magbahagi siya ng birthday message para rito sa pamamagitan ng social media.
Aniya, isang karangalan daw ang makasama si Dela Rosa sa Senado, na itinuturing niyang isang public servant na lumalaban kung ano ang tama at makakatulong sa bayan.
Bukod sa tapang at malasakit sa sambayanang Pilipino, humahanga rin siya sa katapatan ni Dela Rosa sa pagganap sa kanyang mga tungkulin bilang isang mambabatas.
"Isang karangalan na makasama at makatrabaho ang isang lider na hindi natatakot manindigan para sa tama.
"Sa bawat laban, kita ang tapang, malasakit, at tunay na hangarin na maglingkod sa bayan.
"Hindi lang po kayo lider, isa kayong inspirasyon sa amin na patuloy lumalaban para sa mas maayos na Pilipinas," ang message ni Sen. Robin kay Bato.
Hangad din niya ang mabuting kalusugan at lakas ng kalooban para kay Bato upang maipagpatuloy ang mga adbokasiya nito para sa kapakanan ng Pilipinas.
Nauna rito, naglabas ng mensahe si Dela Rosa para sa kanyang ika-64 kaarawan.
"Here I am, alive and well, gratefully celebrating 64 years of this God-given life," saad ng senador.
Pagpapatuloy niya, "I am waiting. Waiting for a true seeking for justice to emerge and take over. Not this threat of fake and foreign meddling, from those who do not and can never know us or be us.
"If indeed there are cases against me, then I wait for a time and a certainty that I shall be able to face these cases as a Filipino, before Filipinos," pahayag ng senador.
The post Robin Padilla saludo kay Bato: Sa bawat laban, kita ang tapang! appeared first on Bandera.

No comments: