BREAKING NEWS

Russian vlogger na nagbantang manghahawa ng HIV sa Pinas arestado

Russian vlogger arestado matapos magbantang manghahawa ng HIV sa Pinas
Photo from Bureau of Immigration

ARESTADO ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) Fugitive Search Unit (FSU) ang isang Russian vlogger matapos magbanta na manghahawa ng Human immunodeficiency virus (HIV) sa mga Pilipino.

Nahuli ang 21-anyos na content creator na si Nikita Chekhov sa isang condominum sa Quezon City ngayong araw, January 22.

Ang pagkakaaresto kay Chekhov ay base sa nag-viral na post ng suspek sa social kung saan nagbanta siya na magpapakalat umano ng HIV habang narito siya sa Pilipinas.

Sinabi ni BI commissioner Joel Anthony Viado, ang mga ganitong klase ng content na may kasamang pagbabanta ay posibleng makapagdulot ng takot sa publiko.

"These so-called rage-bait videos irresponsibly cause fear and panic among the public.

"Foreign nationals who come to the Philippines to spread alarm, disrespect our people, or abuse our hospitality are not welcome and will face deportation," pahayag ni Viado.

Kasunod ng pag-aresto, agad dinala si Chekhov sa detention facility ng BI, na bahagi ng standard operating procedure ng ahensiya sa mga nahuhuling dayuhan na gumagawa ng kuwestiyonableng gawain habang nasa Pilipinas.

Ayon pa sa ulat, nakipag-ugnayan na rin si Viado sa Department of Health (DOH) kaugnay ng ginawang pagbabanta ng dayuhang vlogger.

Nauna rito, napaulat ang deportation ng isa ring Russian vlogger na si Vitaly Zdorovetskiy matapos makulong dahil naman sa pangha-harass sa ilang Pilipino.

"After 290 days in the (Philippines) jail with rats, cockroaches, and +35 Celsius weather, I am finally free. They really tried to break me but it built me," ang pahayag ni Vitaly sa ibinahagi niyang mensahe social media.

The post Russian vlogger na nagbantang manghahawa ng HIV sa Pinas arestado appeared first on Bandera.


Russian vlogger na nagbantang manghahawa ng HIV sa Pinas arestado Russian vlogger na nagbantang manghahawa ng HIV sa Pinas arestado Reviewed by pinoyako on January 21, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close