BREAKING NEWS

Andrea del Rosario dismayado sa mga ‘young artistas’: Bad!

USAP-USAPAN ngayon sa social media ang inihayag na pagkadismaya ng dating sexy star na si Andrea Del Rosario hinggil sa mga "young artistas".

Sa kanyang Facebook page nitong Martes, January 20, ibinahagi niya ang kanyang pagkalungkot sa naturang isyu.

"Wow, young artistas now a days! Bad!" saad ni Andrea sa kanyang post.

Ginamitan pa niya ito ng hashtags na "#sad" at "#disappointedl".

Baka Bet Mo: Andrea del Rosario nawindang nang sumailalim sa major surgery ang anak

Samantala, hindi naman malinaw kung sino ang tinutukoy ni Andrea sa kanyang naturang post.

Hinala ng mga netizens, malamang ay ang "young artistas" na kanyang tinutukoy ay isa na rin sa mga kanyang nakatrabaho.

Umani naman ng samu't-saring komento mula sa netizens ang naturang post ni Andrea.

"I feel you iha. Kaya sa acting class ko inuumpisahan ko sa values muna ang lesson ganyan nga new generation of "young stars" feeling entitled wala pang NAPAPATUNAYAN sa LARANGAN NG industry natin ! [At least] yung batch niyo merong respeto and I think kayo na yata ang last batch or 2nd to the last batch na rumerespeto pa sa AMING old timers sa showbiz iha," saas ng isang netizen.

Comment naman ng isa, ""Mag-Dina Bonnevie attitude activate ka Ms. Andrea."

"Not all po but yeah… encountered some and yes… disappointing mostly," sabi naman ng isa.

Hirit pa ng isa, "Iba na talaga ang takbo ng pag iisip ng mga kabataan NGAYON."

The post Andrea del Rosario dismayado sa mga 'young artistas': Bad! appeared first on Bandera.


Andrea del Rosario dismayado sa mga ‘young artistas’: Bad! Andrea del Rosario dismayado sa mga ‘young artistas’: Bad! Reviewed by pinoyako on January 21, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close