Zaldy Co nasa Portugal, tinawag na ‘poor man with a lot of money’ ni Remulla

KINUMPIRMA ni Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla na kasalukuyang nasa Portugal si dating Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co kasama umano ang kaniyang buong pamilya.
Ayon sa panayam ng DILG secretary sa DZBB Super Radyo nitong Huwebes, January 22, sigurado raw silang nasa isang gated community ang dating kongresisra sa Lisbon, Portugal.
"Nasa Portugal siya. We're pretty certain nasa Lisbon siya [na] isang gated community," saad ni Remulla.
Pagpapatuloy niya, "Halos hindi lumalabas ng bahay [si Co]. Meron kaming operatives na tumitingin, sinu-surveillance siya pero halos hindi lumalabas ng bahay, e, nandoon lang sa loob. Hindi kasi makakapasok doon sa gated community na 'yon."
Baka Bet Mo: Martin Romualdez, Zaldy Co iimbitahan sa Senate hearing – Ping
Lahad pa ni Remulla, susubukan raw nilang makilag-ugnayan sa Portugal authorities para maaresto si Co ngunit hindi raw ito magiging madali dahil walang extradition treaty anf Pilipinas sa Portugal.
"Susubukan natin pero wala nga tayong extradition treaty. So, kahit anong subok natin, may red notice ganiyan kung walang extradition treaty, walang bisa 'yong request natin," sey ng DILG secretary.
Aniya, magsasagawa raw sila ng iba't-ibang paraan para tuluyang bumalik sa bansa si Co.
"The government will apply all the pressure [that is] necessary. Kasi ngayon, lahat ng assets niya [ay] malapit nang ma-ceased. Lahat ng pera niya rito, on-hold. Lahat ng properties, lahat ng negosyo niya, makukuha na ng gobyerno… In all legal ways. Hindi kami manggigipit ng hindi legal," sabi pa ni Remulla.
Tinawag rin niyang "poor man with a lot of money" si Co dahil sa kabila ng marami nitong pera ay hindi nito mabili ang sariling kalayaan
"Wala sila dito, umalis na lahat. Lahat nandodoon na. Alam n'yo ang tawag sa kaniya… poor man with a lot of money. 'Di ba, ang dami niyang pera pero 'di niya mabili kalayaan niya.
"Hindi siya makalabas ng bahay, hindi siya puwedeng pumunta sa doktor kasi lalabas siya
The post Zaldy Co nasa Portugal, tinawag na 'poor man with a lot of money' ni Remulla appeared first on Bandera.

No comments: