BREAKING NEWS

Willie Revillame zero ang love life: Walang saysay! Hindi ko na iniisip!

Willie Revillame zero ang love life: Walang saysay! Hindi ko na iniisip!
Willie Revillame at Sugar Mercado

SINGLE na single ngayon ang veteran TV host na si Willie Revillame at mukhang ine-enjoy na lamang niya ang pagiging solo sa buhay.

Kinumusta ng ilang members ng entertainment press ang love life ni Willie sa naganap na media launch ng bago niyang game show, ang "Wilyonaryo."

Tila mula nang maghiwalay sila ng TV host at dating SexBomb Girl na si Sugar Mercado ay hindi na siya nakipagrelasyon uli at hanggang ngayon nga ay nananatili pa rin siyang single.

"Zero. Walang saysay. Hindi ko na naisip yun, eh," ang pag-amin ni Willie.

Sa katunayan, sanay na sanay na raw siyang mag-isa sa buhay kaya walang problema sa kanya kung hindi na siya magkakaroon ng karelasyon.

Samantala, sa darating na January 27 ay turning 65 years old na si Kuya Wil, at sa punto ng buhay niya ngayon ay wala na siyang mahihiling pa.

"Wala na akong wish, eh. Siguro maging successful lang itong bago nating show (Wilyonaryo) okay na ako. 

"Siguro maging masaya lang tayo at matapos na ang problema natin sa bansa. Hindi talaga tayo aasenso hangga't may (hindi nagkakasundo) partido. Sobrang kawawa tayo. 

"Kapag naging successful ang show na ito, tutulungan ko ang gobyerno, lalo na ang ating mga mahihirap na kababayan," ani Willie.

Mapapanood na ang "Wilyonaryo" sa darating na Sunday, January 25, 7 p.m. sa wilyonaryo.com. Kailangang mag-register muna ang bawat manonood na nais makasali sa bagong pasabog na palaro ni Kuya Wil.

Para malaman kung paano ang sistema at proseso, follow and subscribe lang kayo sa mga official social media account ng "Wilyonaryo."

The post Willie Revillame zero ang love life: Walang saysay! Hindi ko na iniisip! appeared first on Bandera.


Willie Revillame zero ang love life: Walang saysay! Hindi ko na iniisip! Willie Revillame zero ang love life: Walang saysay! Hindi ko na iniisip! Reviewed by pinoyako on January 21, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close