BREAKING NEWS

Rider na nakakita sa missing bride umalma sa ‘sabwatan’, ‘reward’ isyu

Rider na nakakita sa missing bride umalma sa 'sabwatan', 'reward' isyu
Rodel Cyrus Dela Rosa at Sherra De Juan (Photos: Screengrab from KMJS)

MARIING pinabulaanan ng isang rider na kasabwat siya sa pagkawala ng bride-to-be na si Sherra De Juan.

Lumantad at nagsalita si Rodel Cyrus Dela Rosa kung paano niya natagpuan at natulungan si Sherra na makauwi at makabalik sa kanyang pamilya.

Ito'y matapos ngang mawala ang dalaga ilang araw bago ang kasal nila ng kanyang fiancé na si Mark Arjay Reyes

Natagpuan ni Rodel na isang rider, si Sherra sa Laoac, Pangasinan at hindi raw niya agad napansin na siya pala ang viral missing bride sa social media. 

"Hindi ko po siya napansin do'n. Bale nakayuko po kasi ako, tumitingin sa collection list ko po. Hawak ko 'yong cellphone ko. Biglang nasa gild ko po. Then, umiiyak na nagmamakaawa na humihingi ng tulong.

"Talagang maawa ka sa mukha niya. Talagang tuliro. 'Kuya, kuya, Patulong naman po.' Gusto na niyang makauwi sa kanila," ang pahayag ni Rodel aa panayam ng "Kapuso Mo, Jessica Soho." 

Patuloy ng rider, "Tinanong ko kung tagasaan po siya. Sinabi niya po Quezon City. Tinanong ko rin po kung anong pangalan ng kasintahan niya. Sinabi niya si Mark Arjay Reyes.

"Kaya sinearch ko po 'yon. Doon ko po nalaman. Sabi ko po, 'viral ka na po, ma'am,'" pagbabahagi pa niya.

Tinanong daw niya si Sherra kung gusto nitong magtungo sila sa police station o pumunta muna sa bahay ng kanyang biyenan para makaligo at makakain. 

Mas ginusto raw muna nitong ayusin ang sarili bago sila magtungo sa istasyon ng pulisya.

"Nu'ng pagkatapos niya pong kumain, pinahiram ko 'yung cellphone ko po. Umiyak na siya. Nag-iyakan sila," saad ng rider.

Kasunod nito, dinenay din ni Rodel ang alegasyon ng mga netizen na kasabwat siya sa pagkawala ni Sherra. 

Bukod dito, wala ring katotohanan ang kumalat sa social media na nakatanggap daw siya ng reward matapos matagpuan si Sherra.

The post Rider na nakakita sa missing bride umalma sa 'sabwatan', 'reward' isyu appeared first on Bandera.


Rider na nakakita sa missing bride umalma sa ‘sabwatan’, ‘reward’ isyu Rider na nakakita sa missing bride umalma sa ‘sabwatan’, ‘reward’ isyu Reviewed by pinoyako on January 06, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close