’58th’, ‘Ella Arcangel’ 2 pasabog ng GMA Pictures ngayong 2026

MARAMI na namang kaabang-abang na pelikula mula sa GMA Pictures para sa taong 2026.
Kabilang sa listahan ang "58th," isang animated documentary film produced by GMA Public Affairs at GMA Pictures, sa direksyon ni award-winning filmmaker Carl Joseph Papa.
Bibigyang-pugay nito ang mga biktima ng Maguindanao massacre habang tampok ang kuwento ng buhay ni Reynaldo "Bebot" Momay, ang 58th victim ng massacre.
Bukod diyan, mapapanood na rin ang pelikulang "Ella Arcangel," isa ring animated movie na base sa acclaimed 2017 comic book series ni Julius Villanueva. Ito'y mula sa direksyon ni National Book Awardee Mervin Malonzo.
More pasabog pa ang handog ng GMA Pictures ngayong taon dahil makikipagsanib-pwersa ito sa Mentorque Productions para sa horror feature na "Huwag Kang Titingin" under Direk Frasco Mortiz.
Star-studded ang pelikula dahil kasama rito sina Sofia Pablo, Allen Ansay, Marco Masa, Michael Sager, Sean Lucas, Kira Balinger, Josh Ford, Anthony Constantino, Charlie Fleming, Shuvee Etrata, at Sherilyn Reyes.
* * *
Simula January 8 ay mapapanood na sa Prime Video ang psychological horror film ng GMA Pictures at GMA Public Affairs na "P77."
Sabay-sabay na pasukin ang Penthouse 77 kasama si Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza na gumanap bilang si Luna sa kanyang first-ever horror film.
Kasama rin sa pelikula sina award-winning child actor Euwenn Mikaell, veteran actors Jackielou Blanco, Carlos Siguion-Reyna, Gina Pareño, Rosanna Roces, pati na rin sina Chrome Cosio at JC Alcantara.
Maghanda na sa katatakutang nagbigay ng mind-bending experience sa mga nakanood sa sinehan last year.
Tawagin na ang inyong mga mahal sa buhay at panoorin ang "P77" sa inyong mga tahanan via Prime Video.
The post '58th', 'Ella Arcangel' 2 pasabog ng GMA Pictures ngayong 2026 appeared first on Bandera.

No comments: