Pugot na ulo ng sanggol subo-subo ng aso, posibleng biktima ng abortion

NAGULANTANG ang mga residente sa isang barangay sa Minglanilla, Cebu nang matagpuan ang pugot na ulo ng sanggol kamakailan.
Batay sa ulat ng pulisya, nakita ng mga saksi mula sa upland barangay ng Campo 7 ang ulong pugot mula sa bibig ng isang aso.
Ayon sa inisyal na pagsisiyasat ng Minglanilla Police, posibleng ang nadiskubreng ulo ay mula sa isang bagong silang na sanggol na iniwan sa naturang lugar.
Nabatid, base sa salaysay ng mga tagaroon, nakita ang isang asong gala na inakalang may subu-subong ulo ng manika.
Ngunit nang lapitan daw nila ang aso, biglang nahulog ang nasa bibig nito na ulo pala ng isang bagong silang na sanggol na may bakas pa ng dugo.
Ilang residente ang agad na nag-ikot sa lugar para hanapin ang katawan ng biktima pero ang natagpuan lamang nila ay isang tela na may bahid ng dugo.
Malamang daw na kinain na ng mga aso ang katawan ng sanggol.
Sabi naman ng Minglanilla Police, maaaring biktima ng abortion ang sanggol at itinapon lamang sa madamong lugar kung saan ito natagpuan ng mga aso.
Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya hinggil sa insidente.
The post Pugot na ulo ng sanggol subo-subo ng aso, posibleng biktima ng abortion appeared first on Bandera.

No comments: