Thea Tolentino naloka sa sumbong na magka-date sila ni Kristoffer Martin

LAUGH nang laugh ang Kapuso actress na si Thea Tolentino nang alalahanin ang "wow-mali" moment ng isang concerned netizen.
Ito yung nakakalokang kuwento kung saan napagkamalan ng isang netizen ang kapwa Kapuso star na si Kristoffer Martin na si Martin Joshua, ang kanyang boyfriend na fiancé na niya ngayon.
Chika ni Thea sa panayam ng "Fast Talk with Boy Abunda", may isang netizen daw ang nag-send ng message sa asawa ni Kristoffer na si AC Banzon na sweet daw ang aktor kay Thea habang magka-date.
"Nakakatawa 'yun kasi kumakain kami ni Martin sa isang restaurant sa Sta. Rosa tapos may nag-message kay Kristoffer na parang dummy account siya. Ay sa asawa pala ni Kristoffer, kay AC.
"And then may concern naman siya, sinabi niya na 'I saw Kristoffer with Thea, ang sweet nila," natatawang kuwento ni Thea.
Binanggit pa raw ng netizen kung ano ang kotseng sinakyan nina Thea at Martin na ayon sa aktres ay korak naman. Pero ang plot twist nga ay hindi si Kristoffer Martin ang kasama niya.
"Nag-(Instagram) story si Kristoffer, nakita ko, and then natawa ako, and then wala, tinawanan lang namin siya," chika pa ni Thea.
Mas natawa pa nga raw ang aktres nang ikuwento niya ito sa kanyang fiancé dahil wala itong reaksyon, as in nonchalant lang.
Kung matatandaan, noong April, 2025 ipinost ni Kristoffer sa Instagram Story ang screenshot ng message ng netizen kay AC.
Ang caption na inilagay ng aktor, "Scam talaga 'yung pag-bike ko kanina eh. (Thea Tolentino) yari ka kay (AC Banzon). Charet."
Ni-repost naman ito ni Thea sa kanyang socmed account, "Hahaha! Martin pangalan ng bf ko, oo. Si @martinjoshua ang kasama ko kanina don. Tama naman kumain kami don at sweet kami."
The post Thea Tolentino naloka sa sumbong na magka-date sila ni Kristoffer Martin appeared first on Bandera.

No comments: