BREAKING NEWS

50/50 hatian sa gastos kapag ka-date ang manliligaw, payag ka gurl? 

50/50 hatian sa gastos kapag ka-date ang manliligaw, payag ka gurl? 
Stock Photo

KUNG may manliligaw ka, keribels lang ba kung maghati kayo sa bill o sa gastos kapag nagde-date kayo sa labas?  

Iyan ang tanong ng isang female netizen na may suitor na nakikipaghatian sa kanya ng gastos kapag lumalafang sila sa mga resto.

Sa Facebook page na Peso Sense, mababasa ang sulat ng 28-anyos na girlalu tungkol sa 50/50 set up nila ng kanyang constant na manliligaw.

"May nanliligaw sakin 28 ako tapos sya 25, mas maganda talaga ang income ko sa kanya. 

"Sa unang week ng labas namen lagi syang taya, pati pagdadala nya ng mga foods etc. Tapos sa ika next month napansin ko nakikipaghatian na sa pagbabayad sa pagkakain kami sa labas. 

"Tapos nu'ng kumain kami nag initiate naman sya na sya daw pero hinayaan nya ako na ako. Agree ba kayo sa 50/50?" simulang pagbabahagi ng netizen. 

Pagpapatuloy niya, "Pero sa ugali maalaga sya, masarap magluto. Di naman mabisyo, palatawa sobra, madame kami bagay na magkasundo. 

"Totoo pala na sa 10 na ideal thing mo makuha mo lang un 5 ok na at napakasaya kasama. Pero diko alam dpat ba criteria na hindi split the bill?

"3 mos pa lang nanlligaw sakin. Tapos yun nga naiisip ko na di kalakihan sahod nya pero nagpapasalubong naman sya at pag may sakit ako binibili nya ako gamot. 

"Ayoko magmukang makwenta eh. Diko alam pro dba sa early stage of dating dapat si lalaki ang nagbabayad sa kain2x o pde dn hati? 

"Any tots? Any advice. Sa sitwasyon namin, min wage lang sya. Ako may business/work. Pls I need ur insights," ang buong liham ni Ate Girl.

O, mga ka-BANDERA, may maipapayo ba kayo sa kanya? Keribels lang ba talaga na mag-50-50 sa gastos kapag nagde-date? Comment down below na guys! 

The post 50/50 hatian sa gastos kapag ka-date ang manliligaw, payag ka gurl?  appeared first on Bandera.


50/50 hatian sa gastos kapag ka-date ang manliligaw, payag ka gurl?  50/50 hatian sa gastos kapag ka-date ang manliligaw, payag ka gurl?  Reviewed by pinoyako on January 07, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close