Bagger sa mall arestado matapos magnakaw ng condom sa Cebu City

NANG dahil sa kagustuhang malaman kung paano gamitin ang condom, nagawa umanong magnakaw ng isang bagger sa Cebu City.
Arestado ang 23-anyos na suspek na bagger sa isang mall sa Barangay Mabolo, Cebu City matapos mahuling nangdekwat ng isang pack ng condom na nagkakahalaga ng P387.75 nitong nagdaang January 6.
Batay sa report ng pulisya, nadiskubre ang ninakaw niyang pakete ng condom na nakatago sa loob ng kanyang pantalon.
Nangyari ito habang isinasagawa ang routine frisking inspection matapos umano siyang umalis mula sa tindahan nang hindi nagbabayad sa cashier.
Pahayag ng suspek, nagawa lamang niyang tangayin ang naturang produkto dahil na-curious umano siya sa itsura at kung paano ang paggamit nito. Hindi pa raw kasi niya nasusubukan ang mag-condom.
Napag-usapan din daw nila ang tungkol dito ng kanyang mga kasamahan sa trabaho at pinayuhan siyang gumamit nito. Pero sabi ng suspek nais lamang niyang malaman ang itsura ng condom.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang inarestong bagger at hinihintay ang pagsasampa ng kasong qualified theft laban sa kanya.
The post Bagger sa mall arestado matapos magnakaw ng condom sa Cebu City appeared first on Bandera.

No comments: