BREAKING NEWS

PREDICTIONS 2026: Kathryn lapitin ng aksidente; Daniel tatamaan ng mild stroke? 

PREDICTIONS 2026: Kathryn lapitin ng aksidente; Daniel tatamaan ng mild stroke? 
Angel Locsin, Kim Chiu, Daniel Padilla at Kathryn Bernardo

ISA-ISANG hinulaan ng psychic na si Rudy Baldwin ang magiging kapalaran ng ilang sikat na celebrities ngayong 2026, kabilang na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

"Kahit na negatibo mga visions ko huwag po tayong mapanghinaan ng loob, ipagdasal natin na huwag itong mangyari.  Ipagdasal natin na sana kabaliktaran," ang bilin ni Rudy Baldwin.

Nakapanayam ni Ogie Diaz si Rudy para sa kanyang YouTube vlog at dito nga niya inihayag ang kanyang vision tungkol sa kapalaran ng mga artistang binanggit ng talent manager at content creator.

Dagdag pa ni Rudy, "Sana Lord puro masaya 'yung mga dumating sa buhay natin sa kabila ng mga pagsubok, huwag tayong mapanghinaan at lagi nating tatandaan na hindi po ako Diyos, ako'y tao lang at hindi ako propeta kung ano mang ipinakita ni Lord sa akin ay kailangang iparating ko kasi nga mahal niya po tayo, bumalik po tayo sa kanya magdasal po tayo palagi."

Ang vision ni Rudy kay Kim Chiu, "Ms. Kim Chiu kung nanonood ka 'wag kang magalit sa akin, ingatan mo talaga is 'yung sakit mo. 'Yung sakit niya kung ang stress at nagbigay ng sakit ng dibdib mo kung kaya mong i-let go at kung meron namang ibibigay sa iyon si Lord na ipapalit doon sa problem.  

"Kasi para siyang manikang dahang-dahang nauupos na parang nalulumpo dahil sa stress at sama ng loob.  Magkakasakit siya na parang nalulumpo o parang plastic na pag nasalang sa apoy ay dahan-dahang nalulusaw at hindi na puwede ibalik sa dati. So, 'yun ang ingatan niya, kung kaya niyang i-let go na lang, acceptance and forgive."

Ang ibig sabihin ni Rudy ay ang kinakaharap na problema ngayon ni Kim sa kanyang Ate Lakam na umabot na sa demadahan.

Natanong din ang tungkol sa relasyon umano nila ni Paulo Avelino.

"Ayokong magsabi kung sino, pero non-showbiz ang makakatuluyan ng isa sa kanila," diretsong sabi ni Rudy.

Next si Kathryn Bernardo, "Si Ms. Kathryn Bernardo, hindi ko alam kung anong klaseng energy meron ka na para bang hinahabol ka talaga ng accident.  This is not about health issue, it's about accident, so, try lang muna i-avoid 'yung number 17 kasi lumalabas talaga.  

"'Yun 'yung bad luck number 17, puwedeng araw, puwedeng plate number, puwedeng flight number.  Lumalabas talaga si Ms. Kathryn at 'yung (number) 1 and 7. Iwasan niya muna ang plate number, date ng shoot, airlines.  Basta iwasan niya ang number 17 yan ang nakikita ko sa vision ko at accident 'yun. Avoid din muna siya sa black (color)."

Isa pang kailangang ingatan ni Kathryn, "Magpa-check-up ka parati kasi ang dugo mo napaka-sensitive."

Tungkol naman sa lovelife ng aktres, "Kahit magpakasal pa si Kathryn ang ending pa rin kasi sila pa rin," tumawang sabi ni Rudy na ayaw niyang banggitin kung sino dahil may kanya-kanya na silang partner at ayaw daw niyang magalit sa kanya ang fans.

Ang vision naman ni Rudy kay Daniel Padilla, "Mild stroke! Hindi ko sinabing mangyayari ngayong taon. Magiging problema sa kanya mild stroke kapag na-overweight. 

"Kaya 'wag siyang mag-overweight at pansinin ninyo minsan kapag overweight siya parang hirap siyang huminga kaya maging health conscious na lang," sabi pa.

Idol din ni Rudy ang komedyanang si Pokwang "2026-2027, ito 'yung year na hindi ko alam Mama Ogie kung bakit ang mga tao walang kinatatakutan? Hindi sila natatakot manloob ng bahay o nanakawan.  

"Basta 'yung mangyari kay Ms. Pokwang hindi siya namatay (kundi) nandoon lang 'yung tensyon na nadamay kung sino 'yung nasa paligid niya. 'Yun 'yung nadadale, so 'wag basta magtiwala kahit kanino.

"Always close the door, pag nasa car din, saka 'wag basta tatanggap ng kung anu-ano na pagbukas mo nakatulog ka na. Oh my God, Ms. Pokwang kung alam mo lang kung ano ang nakita ko, be careful na lang po, ingat ka rin sa sunog, check mo mga gas, iwasan mo po 'yun kasi 2026 pa naman ang lakas ng fire.  Ang crime nasa 99% ang fire nasa 100%, so, ingat kayo."

Si Angel Locsin ay mild lang daw ang nakita ni Rudy, "Merong mangyari sa buhay niya this year na talagang hindi niya ini-expect pero binibigay, ayaw lang ipakita sa akin kung ano 'yun. Sabi lang ng vision ko na merong isang bagay na mangyari sa buhay niya this year na talagang ikakatuwa niya na hindi niya inaasahang ibibigay, very good naman."

Hmmmm, hindi kaya mabubuntis o magkakaanak na sina Angel at Neil Arce ngayong 2026?

May vision din si Rudy kay Diether Ocampo, "Kay Diether Ocampo pala, ako magsabi sa iyo na year of accident ka this year. Kung na-accident ka na before this time matutuluyan ka talaga kaya mag-ingat ka, 'wag ka na mag-drive kumuha ka ng driver. Kasi dati nag-post ako na may maaksidente ganito at siya 'yun naaksidente, nakita ko sa news."

Ang tinutukoy ni Rudy ay ang nangyaring aksidente noon kay Diether taong 2022 nang bumangga siya sa dump truck na nakaparada sa Makati City. Ibig sabihin ng psychic ay posibleng maulit ngayong 2026.

Samantala, nagsabi si Rudy na lagi niyang ipinanalangin na laging positibo sana anhlg makita niya sa kanyang vision araw-araw pero hindi maiwasan ang negatibo kaya't kinailangan niyang iparating ito sa mga kinauukulan para makapag-ingat at laging manalangin.

 Sa ikalawang bahagi ng aming artikulo, may mga vision pa si Rudy Baldwin kina Sen. Robin Padilla, Vice Ganda at Coco Martin. 

The post PREDICTIONS 2026: Kathryn lapitin ng aksidente; Daniel tatamaan ng mild stroke?  appeared first on Bandera.


PREDICTIONS 2026: Kathryn lapitin ng aksidente; Daniel tatamaan ng mild stroke?  PREDICTIONS 2026: Kathryn lapitin ng aksidente; Daniel tatamaan ng mild stroke?  Reviewed by pinoyako on January 07, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close