Liza Soberano sumagot kay Ogie Diaz, nagkaayos na nga ba?

MUKHANG maayos nang muli ang lahat sa pagitan ng aktres na si Liza Soberano at ng kanyang dating talent manager na si Ogie Diaz.
Sa latest episode ng "Showbiz Update", inilahad ng talwnt manager na sumagot sa kanyang pagbati ang dating alaga.
Matatandaang binati ni Ogie si Liza na nagdiwang ng kaarawan kamakailan.
"Happy bday, Liza Soberano! Sana ma-achieve mo ang dream mo to make it big in Hollywood!
"Sana ay mapaligiran ka din ng mga tamang tao para mas mabilis mo siyang ma-achieve! Love you, Hopie!" mensahe ni Ogie.
Baka Bet Mo: Ogie Diaz kay Liza Soberano: Sana magising na siya
At nito ngang Martes, ibinahagi ni Ogie na sumagot sa kanyang pagbati si Liza.
Aniya, hiling ni Liza ang kabutihan para sa kanilang pamilya.
"Alam mo, nag-message siya sa akin. Sumagot. Sabi niya, 'Thank you, Tito Ogie. I hope you and the family are doing well.'
"Thank you, Liza," lahad ni Ogie.
Ito marahil ang palatandaan na kung anuman ang isyu sa pagitan ng dalawa noon ay ok na ngayong bagong taon.
"Ang tatanda na namin. Kumbaga, magtatanim ka ba ng sama ng loob? Once upon a time, naging anak mo 'yan. Nabigyan ka rin naman ng magandang career because of Liza," sey ni Ogie.
Dagdag pa niya, "Lagi ko rin namang sinasabi if not for Liza, Diyos ko, 'yong aking anak na si Miracle, sa'n ko huhugutin 'yong mga panggastos sa ospital, 'di ba?"
Matatandaang inamin ni Liza sa isang panayam kay Boy Abunda noong Marso 2023 na may tampo umano siya sa dating manager.
The post Liza Soberano sumagot kay Ogie Diaz, nagkaayos na nga ba? appeared first on Bandera.

No comments: