OFW dinakip sa bitbit na P43-M halaga ng cocaine sa NAIA

HINDI na nakuwi ng bahay dahil sa kulungan na dinala ang isang Overseas Filipina Worker (OFW) matapos makumpiskahan ng higit P43 milyong halaga ng hinihinalang cocaine.
Pagdating sa NAIA Terminal 3 mula sa Doha, Qatar, hinarang na ang 30-anyos na suspek ng mga tauhan ng NAIA – Inter Agency Drug Interdiction Task Group.
Nabatid na ang suspek ay domestic helper sa Sao Paolo, Brazil.
Baka Bet Mo: Mangingisda dakip sa P21.2M cocaine
Sinuri ng mga ahente ang bitbit na maleta ng suspek at nadiskubre ang higit walong kilo ng hinihinalang cocaine.
Sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o ang Dangerous Drugs Act ang suspek.
The post OFW dinakip sa bitbit na P43-M halaga ng cocaine sa NAIA appeared first on Bandera.

No comments: