Comedian Echo Caringal naka-one-night-stand Eat Bulaga host: Basta masarap!

INISPLUK ng singer-comedian na si Echo Caringal na may naka-one-nigh stand daw siyang isang kilalang host ng "Eat Bulaga".
Ibinuking ni Echo, na naging grand champion sa "BakClash" segment ng longest-running noontime show sa bansa, na totoong may Dabarkads siyang natikman ilang taon na ngayon ang nakararaan.
Sa mga hindi pa aware, ang "BakClash" ay dating singing competition sa "Eat Bulaga" na umere mula 2018 hanggang 2019. Nang magwagi sa contest si Echo ay naging bahagi na siya ng programa.
Sa interview ng podcast na "Think Talk Tea" ni Kring Kim o mas kilala bilang si Madam Kring, ay napag-usapan ang naging journey ni Echo sa showbiz.
Baka Bet Mo: Eat Bulaga gumagawa na ng hakbang laban kay Anjo Yllana
Kabilang na nga riyan ang kanyang pagiging stand-up comedian sa comedy bar nina Phenomenal Box-office Star Star Vice Ganda at ang naging experience niya bilang host ng "Eat Bulaga."
Sa bandang ending ng podcast, natanong nga ni Madam Kring si Echo kung may "nakachurvahan" na ba siyang sikat na artista.
"Meron ka bang nakachurva sa industriya?" diretsong tanong ni Madam Kring. "May nakasiping ka?"
"One night stand. Hindi naman sa pagmamaganda," ang naging sagot ni Echo.
"Anong nangyari sa inyo?" sundot na question ni Madam Kring.
"Eh, 'di pinaligaya namin ang isa't isa," ang pagpapakatotoo ng komedyante.
"Inaya niya ako sa bahay nila. Inom-inom lang ng alak, nalasing. Nag-Netflix and chill. Sa sobrang chill tumayo lahat ng dapat tumayo.
"Nagising na lang kami na magkayakap kami. Tapos breakfast in bed. Tapos sabay kaming pumunta sa work," patuloy na rebelasyon ni Echo.
Dito na nga nabanggit ni Echo na host ng "Eat Bulaga" ang nakachurvahan niya.
"Ayoko nang tanungin kung sino," ang shookt na reaksyon ni Madam Kring.
Hirit na biro naman sa kanya ni Echo, "Allan K, chariz!"
"Si Allan K ba?" balik-tanong ni Madam Kring. Na sinagot ni Echo ng, "Hindi no! Boss ko 'yon."
Sey pa ni Madam Kring, "Hulaan na lang nila kasi mahirap naman talagang mag-ispluk ka, eh. Ayaw naman nating i-out ang mga tao, 'di ba?"
"Basta masarap," ang sey ni Echo.
Kayo mga ka-BANDERA, sino sa tingin n'yo ang Dabarkads na naka-one-night-stand ni Echo?
The post Comedian Echo Caringal naka-one-night-stand Eat Bulaga host: Basta masarap! appeared first on Bandera.

No comments: