LTFRB babawasan mga bulok na jeep, bus sa kalye

SINIMULAN na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagbuo ng bagong polisiya para hindi na mairehistro ang mga bulok na pampublikong sasakyan.
Sinabi ni LTFRB Chairperson Atty. Vigor D. Mendoza II, alinsunod ito sa direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos na gawing komportable ang biyahe.
"Wala po tayong iko-confirm na prangkisa kung sira-sira ang sasakyan," sey ni Mendoza.
Baka Bet Mo: LTFRB nagbabala, student discounts epektibo pa rin kahit holiday
Aniya,ang reporma ay bunga ng mga reklamo ng mga sumasakay sa mga sira-sirang modern jeepney, traditional jeepney, maging mga taxi.
Pinuna din niya na may bumibiyaheng public utility vehicle (PUV) driver na nakasuot lang ng sando, short pants, at tsinelas.
Bahagi ng mga pagbabago, sabi pa ni Mendoza, ang istriktong pagsusuri ng lahat ng mga pampublikong sasakyan sa bansa.
The post LTFRB babawasan mga bulok na jeep, bus sa kalye appeared first on Bandera.

No comments: