Ogie Alcasid sa nalalapit na tax season: ‘We deserve honest government!’

NAGLABAS ng saloobin si Ogie Alcasid tungkol sa nalalapit na pagbabayad ng buwis.
Base sa kanyang pahayag, ang responsibilidad na pagbabatad ng tax ay hindi lang mabigat sa bulsa kundi pati na rin sa damdamin, lalo na kung hindi malinaw kung saan napupunta ang pinaghirapang pera ng mga mamamayan.
Sa Facebook, iginiit ni Ogie na karapat-dapat ng mga Pilipino ang isang "honest government."
"This morning after my prayers and devotion, my accountant alerted me that taxes will be paid again and [the] deadline is on Monday. It can take a toll on us when we see how much we part with the hard work we put in and not knowing if our contributions are safeguarded," sey ni Ogie.
Baka Bet Mo: Ogie Alcasid may lung cancer daw: Isa na namang malaking fake news ito!
"Perhaps God wanted me to pray harder for this country. We Filipinos deserve an honest government. Lord, please help the Philippines," aniya pa.
<iframe src="https://www.facebook.com/plugins/post.php?href=https%3A%2F%2Fwww.facebook.com%2FOgieAlcasidOfficial%2Fposts%2Fpfbid028GVPxphv5f4yWXaUHbamRJ5keDvwQWxUXFzXjUvH9gzEgXjQAJJyGjwnz9JTdRSpl&show_text=true&width=500" width="500" height="246" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowfullscreen="true" allow="autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share"></iframe> Aware naman tayong lahat na hindi na bago ang ganitong hinaing mula sa mga kilalang personalidad.
Simula pa noong nakaraang taon, sunod-sunod na ring nagpahayag ng pagkadismaya ang ilang celebrities kaugnay ng umano'y maling paggamit ng buwis ng mamamayan, lalo na sa gitna ng mga isyung may kinalaman sa korapsyon at kuwestiyonableng flood-control projects.
Maging ang misis ni Ogie na si Regine Velasquez ay nauna nang nagpahayag ng kanyang pagkainis sa gobyerno, giit niya na hindi raw deserve ng mga nagbabayad ng buwis ang palpak na serbisyong publiko na kanilang natatanggap.
Samantala, sinabi rin noon ni Dennis Trillo na mas makabuluhan pa raw sana kung diretso na lamang ibinigay sa mga charity ang pera ng taxpayers, sa halip na masayang sa mga proyektong hindi naman ramdam ng taumbayan.
The post Ogie Alcasid sa nalalapit na tax season: 'We deserve honest government!' appeared first on Bandera.

No comments: