PBBM sa mga gustong mapatalsik siya: ‘Don’t get too excited yet!’

TILA tinawanan lang ni Pangulong Bongbong Marcos ang mga kumakalat na chika tungkol sa kanyang kalagayan matapos maospital.
Si Marcos ay na-diagnose ng diverticulitis, isang kondisyon kung saan namamaga ang maliliit na "pockets" sa bituka o colon.
Nagkaroon pa nga siya ng mensahe para sa mga sabik na makitang mapatalsik siya sa pwesto.
Ang sabi niya sa isang video statement, huwag munang magsaya!
Baka Bet Mo: Bongbong Marcos apektado sa arrest warrant, pagsuko ni Bong Revilla
"Don't get too excited just yet because it's not a life-threatening condition," sey ng pangulo.
Nilinaw rin niya na wala umanong dapat ipag-alala ang publiko pagdating sa kanyang kalusugan.
"Don't worry. The rumors of my death are highly exaggerated," giit pa niya.
Ayon kay Pangulong Marcos, mas maayos na ang kanyang pakiramdam ngayon kumpara noong unang isugod siya sa ospital.
"I'm fine. I'm feeling very different from the way I was feeling before. The problem has been solved. What happened was I apparently now have diverticulitis," paliwanag niya.
Inamin din ng pangulo na karaniwan umano ang naturang kondisyon, lalo na sa mga taong laging stressed at medyo nagkakaedad na.
Dahil sa kanyang kondisyon, hindi na nakadalo si PBBM sa awarding ceremony ng The Outstanding Young Men 2025 sa Malacañang nitong Huwebes ng umaga, January 22.
Kinatawan na lamang niya si Executive Secretary Ralph Recto, ayon sa Presidential Communications Office.
Kanselado rin ang nakatakda niyang pagbisita sa Ilocos Norte ngayong Biyernes, January 23.
Samantala, sa parehong araw, naghain ang grupong Bagong Alyansang Makabayan ng ikalawang impeachment complaint laban kay Marcos ngayong linggo.
Gayunman, hindi ito tinanggap ng Office of the House Secretary General dahil wala sa bansa si House Secretary General Cheloy Garafil, na kasalukuyang nasa Taipei upang tanggapin ang Order of the Brilliant Star with Grand Cordon.
Magugunitang nauna nang naghain ng impeachment complaint ang abogado na si Andre de Jesus kaugnay ng umano'y pagkakasangkot ng pangulo sa isang 2025 corruption scheme na may kinalaman sa unprogrammed appropriations at iba pang isyu.
Kapwa ibinasura ng Malacañang ang dalawang reklamong impeachment.
The post PBBM sa mga gustong mapatalsik siya: 'Don't get too excited yet!' appeared first on Bandera.

No comments: