BREAKING NEWS

Andre Yllana boto ba kay Onemig para kay Aiko? ‘You have my blessing!’

Andre Yllana boto ba kay Onemig para kay Aiko? 'You have my blessing!'
Onemig Bondoc and Aiko Melendez, Andre Yllana

MUKHANG aprub naman si Andre Yllana sa posibleng love story ng kanyang ina na si Aiko Melendez at Onemig Bondoc!

Ito kasi ang ipinahayag mismo ni Yllana sa isang press conference nang usisain tungkol sa love life ng kanyang mommy.

"Enjoy! Mukha naman po silang masaya eh. So, kung masaya naman po sila, enjoy po. You have my blessing," sey ni Andre.

Dahil sa sagot niya, tinanong din kung close ba siya kay Onemig.

Baka Bet Mo: Aiko Melendez sa panliligaw ni Onemig: Are we bagay? Bigyan ko ba ng chance?

"Pwede na po," sagot niya na nakangiti.

Magugunita noong nakaraang buwan, kinumpirma ni Onemig sa isang joint TikTok live na nililigawan niya si Aiko, kahit na hindi pa rin opisyal na boyfriend-girlfriend ang status nila.

Bukod sa love chika, ibinahagi rin ni Andre na thankful siya sa suporta na nakukuha niya mula sa mommy at daddy niya na si Jomari Yllana.

"Si Mommy po, si Daddy, okay naman po yung relationship namin. Si Mommy, very supportive po. Palaging nagtatanong, 'Kumusta yung set? Kumusta yung mga eksena?'" kwento ng young actor.

Dagdag pa niya, "Si Daddy naman po, lagi akong pinu-push na be on time sa set. Pinu-push niya lang po ako na maging ready po sa trabaho at maging professional."

Si Andre ay kasalukuyang under ng Viva Artists Agency at magbibigay-buhay sa karakter bilang Matthew Hart sa "Hell University."

Ang bagong series ay adaptasyon ng Wattpad novel na may parehong title. 

Tampok dito ang isang underground university na tumatakbo sa labas ng kontrol ng gobyerno. 

Bukod sa normal na school life, kailangang makaligtas ang mga estudyante sa gabi ng "Bloody Night" kung saan madalas ang misteryosong mga pagpatay.

The post Andre Yllana boto ba kay Onemig para kay Aiko? 'You have my blessing!' appeared first on Bandera.


Andre Yllana boto ba kay Onemig para kay Aiko? ‘You have my blessing!’ Andre Yllana boto ba kay Onemig para kay Aiko? ‘You have my blessing!’ Reviewed by pinoyako on January 22, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close