7 pelikula nakatanggap ng angkop na klasipikasyon sa MTRCB

BINIGYAN kahapon ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ng angkop na klasipikasyon ang pitong pelikula bilang gabay ng publiko sa pagpili ng papanoorin ngayong linggo.
Ang Japanese animated film na "Love Live! Nijigasaki High School Idol Club" ay rated G (General Audience), bagay para sa lahat ng manonood.
Ang comedy-drama film na "Rental Family" ay tumanggap ng PG (Parental Guidance) rating para sa mga edad 12 pababa na kasama ang magulang o nakatatanda.
Tampok sa pelikula si Brendan Fraser bilang isang Amerikanong aktor na naninirahan sa Japan at nagtatrabaho sa isang rental family agency.
Baka Bet Mo: MTRCB may maagang pamasko sa mga cancer patients; Aktor mapili sa project, dapat mataas budget
Nabigyan din ng PG rating ang Chinese animated action-adventure na "The Legend of Hei 2," ang science fiction film na "The Incredible Shrinking Man," at ang epic high-fantasy adventure na "The Lord of the Rings: The Fellowship of the Ring," na ipinagdiriwang ang ika-25 anibersaryo nito.
"Ang mga batang manonood ay maaaring ma-expose sa mga eksenang kapana-panabik o bahagyang nakakatakot. Mas mauunawaan at maa-appreciate nila ang mga pelikulang ito kung may gabay ng mga nakatatanda," sey ni MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto.
Rated R-16 naman ang "Return to Silent Hill" at swak ito sa mga edad 16 pataas dahil sa maselang tema, lengguwahe at mga eksena ng karahasan.
Samantala, ang American horror film na "Primate" ay parehong R-16 at R-18 (Restricted-18). Ang R-18 ay para sa mga edad 18 pataas.
Patuloy na tinitiyak ng ahensya na ang mga pelikula ay dumaan sa masusing pagre-review para matiyak ng Board na ligtas panoorin ang mga ito ng pamilyang Pilipino kasabay ng pagsulong ng responsableng panonood.
The post 7 pelikula nakatanggap ng angkop na klasipikasyon sa MTRCB appeared first on Bandera.

No comments: