Mga kasambahay sa Metro Manila nagtaas ng minimum wage, may dagdag P800

PANIBAGONG taon, panibagong saya para sa mga kasambahay!
Inanunsyo kasi ng National Wages and Productivity Commission (NWPC) ang pagtaas ng minimum wage para sa mga domestic workers sa Metro Manila.
Ayon sa Wage Order No. NCR-DW-06 na may petsang January 15 at magkakabisa simula February 7, tataas ng P800 ang minimum wage ng mga kasambahay sa NCR.
Baka Bet Mo: PAALAM 2025: Celebrities na kinilala at nagbigay-pugay sa kanilang yaya
Ibig sabihin, mula sa kasalukuyang P7,000, magiging P7,800 na ito sa nasabing petsa.
Ang wage hike na ito ay halos isang taon matapos mag-anunsyo ang NWPC ng P50 dagdag sa daily minimum wage ng mga manggagawa sa National Capital Region.
Kasabay rin ito ng P50 wage hike para sa private sector workers sa Metro Manila na naaprubahan noong parehong buwan.
The post Mga kasambahay sa Metro Manila nagtaas ng minimum wage, may dagdag P800 appeared first on Bandera.

No comments: