Hidilyn Diaz certified prof na sa UP, ready nang magturo ng weightlifting

NATUPAD na ng Olympic medalist na si Hidilyn Diaz-Naranjo ang isa sa kanyang mga pangarap — ang maging isang guro.
Yes! Isa nang certified professor ang Filipina weighlifter, base sa ginawang announcement ng University of the Philippines Diliman nitong nagdaang Lunes, January 19.
Um-attend si Hidilyn sa Teaching Effectiveness Course (TEC) mula January 12 hanggang 15, 2026 bilang preparasyon sa pagtuturo niya sa College of Human Kinetics (CHK).
Ayon sa Pinay Olympic medalist, napakalaking tulong ng dinaluhan niyang TEC dahil nadagdagan pa ang kaalaman niya sa pagtuturo.
"Good thing na naka-attend ako nitong TEC. Nagkaroon ako ng idea kung paano iyong magiging approach ko sa pag-handle ng class.
"I am also thankful for my CHK colleagues' support, they were there to cheer and help me," ang pahayag ni Hidilyn sa panayam ng UPD.
"I want to educate more people para mas maraming makaintindi ng weightlifting, kasi ang weightlifting ay regular event na sa Palarong Pambansa," aniya pa.
Matatandaang noong October, 2025, ibinandera ng UPD Department of Sports Science na magtuturo nga sa unibersidad si Hidilyn.
"Olympic gold medalist Hidilyn Diaz-Naranjo met with members of the College Executive Board of UP CHK as part of the preparations for her upcoming teaching engagement.
"The meeting discussed course setup, logistical arrangements, and initiatives to further promote weightlifting in collegiate sports," ang nakasaad sa kanilang social media post.
The post Hidilyn Diaz certified prof na sa UP, ready nang magturo ng weightlifting appeared first on Bandera.

No comments: