Rayver Cruz natupad wish makatrabaho si Alden Richards: Palung-palo!

DREAM come true para kay Rayver Cruz ang makasama sa isang bonggang-bonggang project ang Asia's Multimedia Star na si Alden Richards.
Matagal nang magkaibigan sina Rayver at Alden pero never pa talaga silang nagkatrabaho o nagkasama sa trabaho.
And finally, magka-work na sila sa season 2 ng "Stars on The Floor" ng GMA 7 kung saan si Alden pa rin ang host habang si Rayver ang bagong judge sa show with Kapuso Primetime Queen Marian Rivera and Dance Trend Master Coach Jay.
"Ngayon lang kami nagkasama ni AR (tawag ni Rayver kay Alden) sa isang show," sey ni Rayver nang makachikahan ng BANDERA recently.
"Before po kasi, most of the time, nagkakasama man kami sa isang show, pero hindi kami halos nagkikita o nagkakasabay.
"Dito kasi different, dahil siya ang mag-judge, ako magho-host!" ani Alden.
Magkakaroon din ba sila ng showdown sa pagbabalik ng dance reality competition ng GMA 7 dahil nga pareho rin silang magaling na dancer.
"Oo nga, eh. For sure, may mga sayaw-sayaw tayo! Parang sa opening natin.
"Parang nai-imagine ko na kung ano mangyayari. Pipigilan ko na lang. Makulit kasi ako kapag nandiyan si Alden. Nakakatuwa talaga," sey pa ni Rayver.
Nagagalingan ba talaga siya kay Alden sa paghataw sa sayawan? "Oo naman! Lagi akong nagi-guest sa mga concert niya.
"Alam n'yo po ang totoong strength ni Alden, na kapag natsa-challenge siya, doon lumalabas ang galing niya.
"May one time na niloloko ko siya, na hindi niya kami sinasamahan. Tapos, yun na, nandu'n siya, simula sa sayaw hanggang sa matapos, sinayaw namin.
"Palung-palo talaga ang paghataw niya. After that, sabi ko sa kanya, ikaw na talaga, bro! Kailangan talaga na nacha-challenge siya palagi.
"Lahat kasi ginagawa niya. Kumakanta, sumasayaw, galing umarte! Iba siya!" ang papuri pa ni Rayver kay Alden.
Samantala, super happy si Alden sa agad na pag-ere ng season 2 ng "Stars on the Floor" sa GMA 7.
"Nagulat nga rin kami, dahil ang show talaga, parang good for one season lang talaga. But siyempre, depende nga sa performance pa rin kung mabibigyan ng pagkakataon na magkaroon ng season 2.
"And blessing sa amin ang show, ang gaan dumating ng show sa amin, at kung paano namin nilatag sa TV. And nagkaroon talaga ng impact sa audience, at supported very generously ng mga Kapuso all over the world.
"So, happy kami and at the same time nabigyan ng pagkakataon, kasi nasasayangan talaga kami kung isang season lang siya magra-run.
"Like noon na-highlight natin ang collaboration ng mga celebrity at mga social media dance stars, and right now, collaboration of our celebrity dance stars, with the P-pop idols naman.
"Nagiging malaki na rin ang groups natin. I hope that this show, will continue, kasi marami tayong naha-highlight na group, at nakakapagbigay tayo ng break sa mga tao, to uplift and showcase their talent," sey ni Alden.
The post Rayver Cruz natupad wish makatrabaho si Alden Richards: Palung-palo! appeared first on Bandera.

No comments: