‘Stars on the Floor’ star Joshua Decena naaksidente sa Bali, motor nakanal

NAAKSIDENTE ang content creator at dating "Stars on the Floor" digital dance star na si Joshua Decena sa Bali, Indonesia.
Ibinahagi ng vlogger sa Instagram page ang litrato kung saan makikitang may bandage ang kanyang mukha at braso.
Meron din siyang ipinost na mga photo at video na kuha nang mangyari ang kinasangkutan niyang aksidente habang sakay ng motorsiklo.
Kuwento ni Joshua sa ibinahagi niyang video, naganap ang insidente habang patungo sila ng kanyang mga kaibigan sa isang restaurant para mag-lunch.
"Basically, my friends and I were on the way to get lunch. We were on (motorcyles).
"So, Chael took a turn right, and I took a little U-turn on the bridge right here and there's a fence that's broken.
"As I turned my hand, my wrist went down. The motorcyle full throttled. There was an incline.
"I shot myself up in the air for like a second. Fell into the sewer as in diretsong kanal. The bike and I went straight into the corner," ang pag-alala ni Joshua sa kinasangkutang motorcycle accident.
Pagpapatuloy pa niya, "As soon as I crashed, the first thing I did was stand up. Just had to stand up, put the bike up.
"It created a scene. There were a lot of locals trying to help out asking if I was okay," sey pa ni Joshua.
Tumilapon din daw ang kanyang cellphone na naibalik naman sa kanya matapos itong ma-recover ng isang residente roon.
Pagkatapos ng nangyari, balak ni
Joshua na magtungo sa plastic surgeon sa Canggu upang ipatingin ang tinamong mga sugat sa mukha.
Sa huling bahagi ng video, pinaalalahanan ng content creator ang madlang pipol na maging "extra careful" sa pagsakay ng motorsiklo.
Maraming netizens ang nag-alala para kay Joshua, kabilang na ang mga kasamahan niya sa season 1 ng "Stars on the Floor" na sina Dasuri Choi at JM Yrreverre.
"Huhu ingat ka pleaseeee," ang paalala ni Dasuri kay Joshua.
Birong hirit naman ni JM sa kaibigan, "Kulet kasi."
Ilan pa sa mga nakasama ni Joshua sa Kapuso reality dance competition na "Stars on the Floor" sina Kakai Almeda, Zeus Collins, Rodjun Cruz at Glaiza de Castro.
The post 'Stars on the Floor' star Joshua Decena naaksidente sa Bali, motor nakanal appeared first on Bandera.

No comments: