BREAKING NEWS

Erwin Tulfo ilang beses niligtas ng Jesus Nazareno: ‘This is my 12th life’

Erwin Tulfo ilang beses niligtas ng Jesus Nazareno: This is my 12th life'
PHOTO: Facebook/Erwin Tulfo

KASABAY ng pista ng Jesus Nazareno, ibinunyag ni Sen. Erwin Tulfo ang sunod-sunod umanong himala na nagligtas sa kanya sa kapahamakan.

Hindi lang daw ito isang beses nangyari, kundi labindalawang beses!

Sa Kapihan sa Senado nitong Huwebes, January 8, emosyonal na ikinuwento ni Tulfo kung paanong paulit-ulit siyang iniligtas ng Diyos mula sa bingit ng kamatayan.

"Believe it or not, this is already my 12th life," bungad ng senador.

Baka Bet Mo: Traslacion target matapos sa 10–12 oras, 'andas' mas moderno at mas ligtas

Isa sa mga unang karanasang halos ikamatay niya ay noong siya'y sampung taong gulang pa lamang. 

Nakagat siya ng isang askal, ngunit hindi niya ito sinabi sa kanyang ina dahil sa takot na mapagalitan. 

Sa halip, siya na lang ang naglinis at naggamot sa sarili.

"Nakagat po ako ng aso na askal. Hindi ko sinabi sa nanay ko dahil nanay ko disciplinarian, wala raw kaming panggamot. Ginawa ko lang, pinadugo ko nang pinadugo, nilagyan ko ng iodine 'yung sugat. Two days after namatay 'yung dog," chika niya.

Makalipas ang ilang araw, tila konsensya ang nagtulak kay Tulfo na magtanong sa kanyang ina pero ibang paraan ang ginamit niya.

"Sabi ko sa nanay ko, 'Mom, ano kayang mangyayari sa kaklase ko na nakagat ng aso, namatay 'yung aso?' [Sabi niya], 'Ay naku Diyos ko! Sino ba magulang niyan kausapin ko'," kwento niya.

"Sabi ko, ako. Nasugatan ka na, nakagat ka na, napingot ka pa. Dinala ako sa ospital, sabi ng doktor, 'Too late na po 'yan… bigyan na lang natin siya ng gamot na for one year,'" dagdag pa niya.

Isa pa sa mga muntik nang ikapahamak niya ay nang siya'y mag-isa sa ilalim ng dagat sa Palawan at inabot ng pamumulikat sa binti. 

Kung hindi raw sa isang bilanggo na nagkataong dumaan at nakarinig sa kanyang sigaw, baka hindi na siya nakaahon.

Hindi pa roon natapos ang mga pagsubok.

"Marami. May mga instances na-pneumonia pa ako. Nag-pass out ako for two days," sey ng senador.

Sa kabila ng lahat ng ito, matatag ang paniniwala ng senador na may dahilan kung bakit patuloy siyang binibigyan ng pagkakataong mabuhay. 

Labingwalong taon na rin siyang deboto ng Jesus Nazareno, isang panata na nagsimula dahil sa kanyang anak.

Ayon kay Tulfo, tatlong taong gulang pa lamang ang kanyang anak nang ma-diagnose ng Hirschsprung disease, isang kondisyon na nagpapahirap sa pagdumi. 

"Somebody told me to go to the Nazareno because there are miracles there. So I went, and I said, 'If you heal my child, I will become a devotee,'" sambit niya.

Isang araw bago ang nakatakdang operasyon ng kanyang anak, isang kapwa doktor ang nakausap ng surgeon at ipinaliwanag na hindi na pala kailangan ang operasyon.

Hindi na ito itinuloy, at ayon kay Tulfo, maayos na ang kalagayan ng kanyang anak hanggang ngayon.

"And then there's a lot of answered prayers," aniya pa.

Sa ngayon, patuloy raw ang pasasalamat ng senador sa Diyos hindi lamang sa mga himala, kundi sa direksyong tinahak ng kanyang buhay.

Sabi pa ni Tulfo, patuloy niyang pinasasalamatan ang Maykapal "for where I am right now and what He has made of me."

The post Erwin Tulfo ilang beses niligtas ng Jesus Nazareno: 'This is my 12th life' appeared first on Bandera.


Erwin Tulfo ilang beses niligtas ng Jesus Nazareno: ‘This is my 12th life’ Erwin Tulfo ilang beses niligtas ng Jesus Nazareno: ‘This is my 12th life’ Reviewed by pinoyako on January 08, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close